[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ custom_arrow_bg=” id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2018/04/EDITORIAL_20180407.png’ attachment=’8821′ attachment_size=’full’ attach=’parallax’ position=’top center’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.3′ overlay_color=” overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′][/av_section]
[av_heading tag=’h1′ padding=’10’ heading=’Ang posibilidad ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan’ color=” style=’blockquote modern-quote’ custom_font=’#ffffff’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ custom_class=” admin_preview_bg=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
Editoryal | Ang Bayan
Abril 7, 2018
[/av_heading]
[av_three_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Sinusuportahan ng Partido Komunista ng Pilipinas, gayundin ng Bagong Hukbong Bayan, ang posibilidad ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Kaakibat ito sa patakaran ng rebolusyonaryong kilusan ng pagiging palagiang bukas na makipag-usap sa anumang rehimen handang makipagnegosasyon para lutasin ang mga ugat ng gera sibil sa bansa.
Lubos na sinusuportahan ng PKP at BHB ang negotiating panel ng NDFP bilang kinatawan ng buong rebolusyonaryong kilusan. Pinanghahawakan nito ang pusisyon ng NDFP na dapat walang paunang kundisyon sa pag-uusap, na siyang prinsipyong itinakda sa The Hague Joint Declaration ng 1992, na pinagkaisahang itaguyod ng dalawang panig.
Umaasa ang sambayanang Pilipino na maitutuloy na ang pag-uusap tungkol sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER). Ito ang nakatakda nang pag-usapan ng dalawang panig sa ikalimang serye noong Nobyembre 2017 bago kinansela ni Duterte ang pag-uusap. Igigiit rin ng NDFP na ipatupad ang naunang kasunduang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Alinsunod sa CARHRIHL at sa napagkasunduan sa unang serye ng pag-uusap noong 2016, dapat agad na maglabas ang GRP ng proklamasyon para sa pangkalahatang amnestiya at palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal.
Ang posibilidad na muling magbukas ang negosasyon ay bunga ng pagkambyo ni Duterte sa deklarasyon niya ng pagtatapos ng usapang kapayapaan (Proclamation No. 360) at ng kasunod na pagdedeklarang terorista ang PKP at BHB (Proclamation No. 374).
Sa ngayon, wala pang ipinakikitang mga kongkretong hakbangin si Duterte para maging dahilan na pahupain ng mamamayang Pilipino ang kanilang pagkilos para labanan ang kanyang kinamumuhiang rehimen at ipanawagang pabagsakin ito. Habang walang makabuluhang hakbang ang rehimen para ipatupad ang naunang mga kasunduan at seryosong makipagnegosasyon kaugnay sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang pagbuhay ni Duterte sa usapang pangkapayapaan ay pawang buladas lamang at pampabango sa harap ng ng kinakaharap niyang tumitinding krisis sa pulitika.
Batid ng rebolusyonaryong kilusan na habang nakikipag-usap ito, tuluy-tuloy ang burukrata-kapitalistang korapsyon at krimen ni Duterte. Harap-harapan ang kanyang pagpabor sa malalaking dayuhang kapitalista at kanilang mga lokal na kasosyong kumprador. Walang tigil ang kanyang pagmamaniobra para mapakinabangan ng kanyang pamilya, mga kroni at tagasuporta ang mga pampublikong kontrata sa ilalim ng programang “Build, Build, Build.”
Nagpapatuloy din ang neoliberal na mga patakaran ng rehimen na nagpapahirap sa mamamayan. Mula nang ipatupad ang batas na TRAIN law noong simula ng taon, tuluy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagkain at mga batayang serbisyo. Ang Build, Build, Build at TRAIN ay kabaliktaran sa mga sosyo-ekonomyang reporma na isinusulong sa usapang pangkapayapaan.
Batid din ng rebolusyonaryong kilusan na patuloy at lalupang tumitindi ang kanyang pangangayupapa sa imperyalismong US, ang amo ng AFP na siyang pangunahing makinarya sa kanyang terorismo. Ibinabando niya ang ìindependyenteng patakarang panlabasî pero para makapanlimos sa China para pondohan ang kanyang engrandeng programang imprastruktura kapalit ang ilang soberanong teritoryo ng bansa.
Tuluy-tuloy ang martsa ng rehimeng US-Duterte tungo sa pagtatatag ng pasistang diktadura para solohin ang kapangyarihan sa pulitika at makapangunyapit sa poder. Nananatiling laganap ang mga ekstrahudisyal na pamamaslang, kapwa sa ilalim ng kanyang ìgera kontra-drogaî at todo-gera laban sa rebolusyonaryong kilusan. Sa ilalim ng Oplan Kapayapaan, nagpapatuloy ang brutal na pananalasa ng AFP sa kanayunan. Inookupa ng mga tropa nito ang buu-buong komunidad, binobomba ang mga ito at pinapatawan ng mga blokeyo. Laganap ang paggamit ng panlilinlang at intimidasyon para takutin ang mamamayan para pwersahin silang pumarada bilang mga ìNPA surrenderee.î Pinakamatindi ito sa Mindanao kung saan umiiral ang batas militar.
Sa harap nito at kasabay ng usapang pangkapayapaan, kailangang paigtingin ng mamamayan ang kanilang mga paglaban kontra sa terorismo, tiraniya at pagpapahirap ng rehimeng US-Duterte. Kailangan palakihin ang mga kilos-protesta para igiit ang kanilang demokratikong kahilinganólupa, trabaho, nakabubuhay na sahod, pabahay, edukasyon at iba pang batayang serbisyo.
Dapat palakasin ng sambayanang Pilipino ang panawagang wakasan ang batas militar sa Mindanao. Dapat papanagutin si Duterte at ang AFP sa kanilang pangwawasak sa Marawi at sa daan-daang namatay at nawawala roon. Gayundin, dapat papanagutin si Duterte at ang AFP sa humahabang duguang listahan ng mga brutal at malulupit na krimen.
Sa harap ng teroristang pananalasa ng pasistang rehimeng US-Duterte, walang ibang masusulingan ang Bagong Hukbong Bayan kundi ilunsad ang digmang bayan sa buong bansa para ipagtanggol ang mamamayan.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]
[av_two_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=” mobile_breaking=” mobile_display=”]
[av_social_share title=’Share’ style=’minimal’ buttons=’custom’ share_facebook=’aviaTBshare_facebook’ share_twitter=’aviaTBshare_twitter’ share_gplus=’aviaTBshare_gplus’ share_reddit=’aviaTBshare_reddit’ share_mail=’aviaTBshare_mail’ admin_preview_bg=”]
[av_hr class=’invisible’ height=’50’ shadow=’no-shadow’ position=’center’ custom_border=’av-border-thin’ custom_width=’50px’ custom_border_color=” custom_margin_top=’30px’ custom_margin_bottom=’30px’ icon_select=’yes’ custom_icon_color=” icon=’ue808′ font=’entypo-fontello’ admin_preview_bg=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2018/04/20180407pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[av_hr class=’invisible’ height=’50’ shadow=’no-shadow’ position=’center’ custom_border=’av-border-thin’ custom_width=’50px’ custom_border_color=” custom_margin_top=’30px’ custom_margin_bottom=’30px’ icon_select=’yes’ custom_icon_color=” icon=’ue808′ font=’entypo-fontello’ admin_preview_bg=”]
[av_magazine link=’category,694′ items=’9′ offset=’1′ thumbnails=’aviaTBthumbnails’ heading_active=’aviaTBheading_active’ heading=’Ang Bayan archive’ heading_link=’page,4308′ heading_color=’theme-color’ heading_custom_color=’#ffffff’ first_big=’aviaTBfirst_big’ first_big_pos=’top’ admin_preview_bg=”]
[/av_two_fifth]