Naglunsad ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Romeo Nanta Command) laban sa tropa ng 94th IB sa Sityo Cantupa, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong gabi ng Oktubre 27. Hindi bababa sa dalawa ang nasugatan sa mga berdugong sundalo.
Nagtakbuhan ang mga sundalo at ilang segundo pa bago nakaganti ng putok. Walang patumanggang nagpaulan ng bala sa erya ang 94th IB gamit ang kanilang masinggan at nagpaputok ng M203.
Samantala, naiulat na sumuko sa BHB-Southwest Negros (Armando Sumayang Jr Command) ang ilang ahenteng intel ng 15th IB sa bayan ng Cauayan noong Oktubre. Tinanggap ng yunit ang pagsuko sa batayang wala pang pinsala at utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ang mga aset.











