PRWC » Pulang mandirigma sa Northern Samar, dinakip at sadyang pinatay ng 78th IB

Mariin naming kinukundena ang pagdakip at sadyang pagpaslang ng mga elemento ng 78th Infantry Battalion kay Edwin Ventura (Ka Alas), kasapi Bagong Hukbong Bayan-Northern Samar, noong Agosto 27, 2025. Kamakailan lamang nakarating sa aming himpilan na hindi namatay si Ka Alas sa armadong labanan sa Barangay San Jose, Mapanas, kundi hinuli siya at ng mga pasistang tropa sa ilalim ni Lt. Col. Francis Rosales. Imbis na kilalanin bilang bilanggo ng digmaan (prisoner of war), pinatay siya nang walang kalaban-laban.

Nagsasagawa noon ng rekonaysans si Ka Alas sa palibot ng lugar kung saan ang kinabibilangan niyang yunit ng BHB ay tumutulong sa masa sa pagkokopras. Ayon sa yunit, wala siyang dalang armas nang dakpin. Taliwas sa mga alituntunin ng digmaan na tinitiyak ng CARHRIHL, 1949 Geneva Conventions, at maging ng reaksyunaryong batas na nagbabawal na pinsalain ang kaaway na malinaw nang walang kakayanang lumaban, marahas na pinaslang si Ka Alas. Matapos nito, nireyd ang nasabing yunit kung saan namartir ang kapwa niyang Pulang mandirigma na si Ka Ibaro.

Isa lamang ito sa mga paglabag ng pasistang AFP sa karapatan ng mga hors de combat na Pulang mandirigma. Kung hindi man sila paslangin kahit hindi na makapanlaban, sinasaywar sila at matagalang idinedetine nang walang paggalang sa karapatan nila sa due process, nang walang kontak sa pamilya at walang abugado.

Isang walang-hiyang sinungaling si Lt. Col. Rosales. Humahaba ang lista ng ipinapakalat niyang fake news kabilang ang mga bombang nahukay umano sa Barangay Magsaysay noong Hulyo 2025, pambobomba sa Barangay Nipa, Palapag noong Nobyembre 29, 2025, gawa-gawang “reyd” sa Barangay Osmeña, Palapag noong Disyembre 2025, at mga magsasakang taga-Sitio Canonghan, Palapag na pinasurender niya nitong Enero. Ngayon ay nalantad naman ang tahasang pagyurak nila sa mga alituntunin sa gyera, gayundin ang kahungkagan ng AFP Code of Conduct at ng kampanyang kontra-insurhensya ng rehimeng Marcos Jr.

Lahat ng yunit ng BHB ay inaatasang tuluy-tuloy na biguin ang pasistang todo-gyera ng rehimeng Marcos. Dapat nilang matapang na magpunyagi sa landas ng digmang bayan para kamtin ang hustisya para sa lahat ng biktima ng pasistang estado at ang matagalang kapayapaan para sa mamamayan.

Source link