PRWC » Pahayag ng KM-Quezon sa pagkakatalaga kay Cleo del Mundo bilang bagong tagapagsalita ng MGC-NPA ST

Malugod na binabati ng Kabataang Makabayan (KM)-Quezon (Balangay Dani Lagrama) binabati si Kasamang Cleo Del Mundo sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command-New Peoples Army Southern Tagalog (MGC-NPA ST)!

Mula nang maging kasapi siya ng Kabataang Makabayan sa lalawigan ng Quezon, ipinakita niya ang kaniyang husay bilang isang organisador at propagandista na nagpupukaw, nag-oorganisa at nagpapakilos ng mga kabataan. Kaya hindi na rin nakapagtataka na magiging matikas siyang tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command-NPA Quezon nang sumapi siya sa Bagong Hukbong Bayan.

Ang kaniyang mga matatalas na suri at pahayag ay naging tanglaw ng bawat rebolusyunaryo sa lalawigan upang mahigpit na isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon laluna sa panahon ng pagwawasto ng ating Partido.

Ikinagagalak ng KM-DL na mula sa hanay ng mga kabataang Quezonin ang patuloy na tumatangan ng mga matataas na rebolusyunaryong tungkulin. Tunay na kabataan ang salinlahi ng rebolusyon!

Proud kami sa ‘yo Kasamang Cleo!

Source link