BHB-Mindoro, aktibong nakapagtanggol kontra pag-atake ng 203rd IBde

Nakapagdepensa ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro (Lucio de Guzman Command) laban sa umaatakeng pwersa ng 203rd IBde sa Sityo Barayong, Barangay Manuol, Mansalay, Oriental Mindoro noong Setyembre 25 ng tanghali. Naiulat na tatlo ang sundalo ng 203rd IBde ang napatay sa labanan, habang marami ang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

“Anumang paglilihim, hindi magawang pagtakpan ng 203rd Brigade ang mga kaswalti nito,” pahayag ni Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng BHB-Mindoro. Pagbabahagi niya, nagpahayag ang masang magsasaka at katutubo sa Mindoro ng kanilang pagbati at pagbubunyi sa bigwas laban sa 203rd IBde.

“Ikinalulugod nilang maparusahan ang mga sagadsaring berdugo na walang ibang hatid sa kanila kundi perwisyo at pasakit dahil sa tindi ng militarisasyon sa kanayunan. Hangad nila ang hustisya para sa mga biktima ng mga brutalidad ng AFP,” ayon kay Ka Madaay.

Pahayag pa ni Ka Madaay, makakaasa ang mamamayang Mindoreño na patuloy na magsisikap ang kanilang hukbo para ipagtanggol ang interes ng uring anakpawis at parurusahan ang mersenaryong Armed Forces of the Philippines. Ipinahayag niya na sa suporta ng mamamayan at inspirasyon ng lumalakas na kilusang masa at protesta kontra korapsyon ay tumataas ang moral at diwa ng Pulang hukbo.

Source link