Inireklamo ng mga residente ng magkanugnog na barangay sa Alamada, North Cotabato ang ingay at perwisyo na dala ng pagsasanay-militar ng Armed Forces of the Philippines mula Nobyembre 11 hanggang 14.
Tiniis ng mga residente ang walang tigil na pagpapaputok ng iba’t ibang klaseng armas mula umaga hanggang hapon sa naturang mga araw. Inulat nila ang presensya ng mga dayuhang tropa na nagsilbing mga instruktor sa pagsasanay. Umaabot pa ang mga maniobrang kombat sa kanilang mga sakahan at sityo. Animo’y sinaklaw ang mga ito ng training ground ng mga sundalo.
Ayon sa mga residente, hindi ito ang unang pagkakataong naglunsad ng war games sa kanilang lugar. May pagkakataon nang nasugatan ang isang 8-anyos na bata ng ligaw na bala mula sa mga nagsasanay na mga sundalo.










