Mapangwasak na kwari, pinaralisa ng BHB-Negros

Pinaralisa at sinunog ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Romeo Nanta Command) ang dalawang dump truck at isang backhoe na ginagamit sa mapangwasak na operasyong kwari sa Sityo Medel, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong Hulyo 4. Umabot sa ₱11 milyon ang danyos sa operasyon.

Ipinatupad ito ng BHB bilang pagprotekta sa komunidad at kalikasan dahil matagal nang namemerwisyo ang kwari. Dahil sa kwari, naapektuhan ang mga sakahan at kabuhayan ng mga residenteng nakasalalay sa ilog.

Source link