PRWC » 3 hors de combat sa Samar, sadyang pinatay ng 8th ID

Tatlong hors de combat na mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) ang sadyang pinatay ng mga sundalo ng 8th ID sa Samar noong Abril.

Noong Abril 17, sadyang pinatay ng mga sundalo si Ka John Paul sa Barangay Salvacion, Jiabong. Una siyang nabaril at natamaan sa hita at wala na sa katayuang lumaban. Sa halip na gamutin, tinortyur siya bago binaril sa dibdib na kanyang ikinamatay.

Noong Abril 23, nadakip ng mga sundalo sina Ka Mike at Ka Oking sa bayan ng Motiong. Isang buong araw silang pinahirapan ng mga sundalo bago tinadtad ng bala ang katawan. Noong Abril 24, nagpalabas ng labanan ang mga sundalo sa Barangay Caulayanan kung saan pinalabas na napatay ang dalawa.

Source link