Pinasabugan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) gamit ang M203 grenade launcher ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB sa Sityo Lip-o, Barangay Imelda, Guihulngan City, Negros Oriental noong Hunyo 14. Tatlong sundalo ang napatay sa atake.
Ayon sa mga residente, ipinuslit ng 62nd IB ang mga bangkay noong gabi ng Hunyo 14 papunta sa sentro ng Guihulngan City para itago ang kanilang pagkatalo. Tulad sa nagdaang mga pagkakataon, itinago ito ng mga sundalo para hindi masira ang kanilang imahe ng “pagtatagumpay” laban sa hukbong bayan.
Ang armadong aksyon ay paraan ng BHB para bigyang hustisya ang patung-patong na krimen ng 62nd IB laban sa mamamayan ng Central Negros.