PRWC » 5, inaresto sa Negros Occidental

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis, mga espesyal na yunit nito at ng 79th IB ang limang indibidwal noong Abril 22 ng gabi sa Talisay City, Negros Occidental. Inaakusahan silang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nakatakas diumano sa naganap na madugong masaker sa Toboso noong Abril 19.

Pinalalabas ng mga pwersa ng estado na may nakuha sa kanila na mga armas at pambasabog. Isa sa mga inaresto ay si Julie Ann Balora, myembro ng pambansang konseho ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura. Sa salaysay niya, hinarang ang kanilang sasakyan ng isang van na sinundan ng marami pang ibang sasakyan. Tinutukan sila ng baril at inutusang bumaba, lumuhod at yumuko. Sa detensyon, ipinailalim sila sa interogasyon nang walang abugado at dumanas ng pisikal na pananakit.

Source link