Alinsunod sa kautusan ng hukumang bayan, isang pusakal na kriminal na kilalang mamamatay-tao ang pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan kahapon sa bayan ng E.B. Magalona, Negros Occidental.
Nahatulan si Jerry Solinap, 65 anyos at residente ng Sitio Tabwan, Brangay San Isidro sa naturang bayan, sa dalawang kaso ng pagpatay. Ang desisyon ng hukumang bayan ay nabuo matapos ang masusing imbestigasyon at paglilitis, kung saan napatunayang maysala si Solinap sa pagpaslang sa mag-asawang residente ng Sityo Trinity, Barangay Canlusong, noong 2004.
Kilala rin bilang elementong kriminal si Solinap sa kanilang lugar. Sangkot siya sa pagnanakaw ng mga kalabaw at ibang hayop ng masa mula taong 2007.
Ipinatupad ng isang yunit ng BHB-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) ang hatol ng korte noong Hulyo 13, 2026, alas 10 ng umaga sa nasabing bayan.
Patuloy na ipatutupad ng BHB-Northern Negros ang mga utos ng hukumang bayan, sa layuning mabigyan ng hustisya ang mamamayang matagal nang pinagkaitan ng katarungan sa ilalim ng reaksyunaryong estado.
Inuulit namin ang panawagan ng National Democratic Front-Negros sa mga elementong kriminal, anti-sosyal at nagpapakasangkapan sa pasistang militar na tumigil na sa kanilang mga gawaing anti-mamamayan, humingi ng tawad sa masa o iapela ang kanilang mga kaso sa hukuman.











