Noong July 6, nagpaputok ang China ng ballistic missile na naiulat na tumawid sa hilagang baybayin ng Luzon bago bumagsak sa Pacific. Pinaputok ang missile mula sa isang submarine sa South China Sea bilang bahagi ng ehersisyong militar.
Ang Department of National Defense ng rehimeng Marcos Jr, gayundin ang mga upisyal ng US at mga alyado nito, ay mabilis sa pagkundena ng pagpapaputok ng missile ng China, at tinawag itong “mapangahas na pagpapasikat ng kapangyarihang militar” at “kalkuladong kilos ng pang-aalipusta at probokasyon.” Subalit hindi nila inaako ang kanilang pananagutan sa pangunguna sa pang-uudyok at pagpapaigting ng sigalot sa Asia-Pacific.
Sa katunayan, ang US ang pangunahing responsable sa pagpapainit sa tensyon sa Asia-Pacific. Tuloy-tuloy itong nagpapalaki ng pwersang militar sa pagsisikap nitong igiit ang paghahari at hadlangan ang paglago ng China sa rehiyon at ang pag-angat nito bilang isang pandaigdigang kapangyarihan. Tuloy-tuloy ang pagdeploy ng imperyalistang US ng kaniyang tropa, mga missile at malalakas na kagamitang pandigma at base militar sa tinagurian nitong “first island chain,” na kinabibilangan ng Pilipinas.
Dati pa, ang US ay gumagawa na ng probokasyong militar sa China sa pamamagitan ng lumalaking ehersisyong militar at lakas-pamutok sa rehiyon. Nitong nakaraang buwan ng Mayo, sa Balikatan military exercises, pinaputok ng US ang isang Tomahawk missile mula sa kalupaan ng Pilipinas sa unang pagkakataon. Ang nasabing missile ay may kakayanang tumama sa mainland China.
Pinapatampok nitong pinakahuling ehersisyong militar ng China, na ang mga pang-uudyok ng US ay hindi nito uupuan lamang sa harap ng mga probokasyon ng US. Ang pagpapaputok ng China ng sariling missile at pagpapadaan nito sa ating baybayin sa Northern Luzon patungong Pacific, ay isang malinaw at sinadyang tugon sa pagpapaputok ng US ng kaniyang missile mula sa Pilipinas. Ito ay mahigpit na babala sa atin sa panganib ng pagpaparaya sa mga base militar ng US sa Cagayan Valley at sa buong bansa.
Sa ating rehiyon mismo ay nakalagay ang tatlong base militar ng US – ang mga EDCA sites sa Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; ang Cagayan North International Airport sa Lal-lo, Cagayan at sa Camp Melchor de la Cruz sa Gamu, Isabela. Ang mga ito, maliban sa iba pang pasilidad sa rehiyon ay ginagamit ng US sa mga ehersisyong pandigma nito at sa pagpoposisyon ng kaniyang kagamitang pandigma kabilang ang Typhon at HIMARS missile systems sa mga baybayin ng Northern Luzon.
Sa paglulunsad ng US ng mga missile nito mula sa kalupaan ng Pilipinas, ginagawang direktang target ang ating bansa at mamamayan sa kontra-atake ng kaaway nito. Wala tayong mapapala sa pagpapahintulot sa paglulunsad ng ehersisyong pandigma at pagtatatag ng mga base militar ng US. Pinatitindi lamang nito ang panganib ng pagiging pambala-sa-kanyon sa sigalot ng mga imperyalistang kapangyarihan.
Ang mamamayan ng Cagayan Valley ay nagpahayag na ng kanilang mariing pagtutol sa pagkakatatag ng EDCA sites at pagsasagawa ng mga ehersisyong pandigma sa rehiyon. Ngayon na ang pinakakritikal na panahon upang lalo pang palakasin ang ating anti-imperyalistang alyansa at pakikibaka upang patigilin ang mga digmang agresyon ng imperyalistang US at tanggalin ang mga kagamitang pandigma at base militar nito sa rehiyon at sa buong bansa.
Nananawagan ang NDF-CV sa mamamayan ng Cagayan Valley na palawakin at pahigpitin ang ating pagkakaisa at tumipon sa mamamayang Pilipino na paigtingin ang ating kampanya upang labanan ang presensyang militar ng US sa Pilipinas. Hinihikayat at sinusuportahan natin ang lahat ng pagsisikap sa pagtatatag ng anti-imperyalistang kilusan upang igiit na ang ating rehiyon at ang buong teritoryo ng Pilipinas ay di magagamit ng pang-uudyok sa gera ng US at mga inter-imperyalistang digmaan.
Dapat tayong manindigan sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpupunyagi sa ating pambansa demokratikong rebolusyon hanggang tagumpay na mapagpasyang magpapalaya sa atin sa pang-aalipin ng imperyalismong US.
Nananawagan tayo sa mamamayan ng Cagayan Valley, pangunahin sa mga kabataan, na tahakin ang di-napapatid na tradisyon ng anti-kolonyal ay anti-imperyalistang rebolusyon ng mamamayang Pilipino. Isulong ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pagsampa sa New People’s Army at pabagsakin ang imperyalistang paghahari ng US.#
unguna sa pang-uudyok at pagpapaigting ng sigalot sa Asia-Pacific.
Sa katunayan, ang US ang pangunahing tagapag-udyok ng tumitinding tensyon sa Asia-Pacific. Tuloy-tuloy itong nagpapalaki ng pwersang militar sa pagsisikap nitong igiit ang paghahari at hadlangan ang dominasyon ng China sa rehiyon at ang pag-angat nito bilang isang pandaigdigang kapangyarihan. Tuloy-tuloy ang pagdeploy ng imperyalistang US ng kaniyang tropa, mga missile at malalakas na kagamitang pandigma at base militar sa tinagurian nitong “first island chain,” na kinabibilangan ng Pilipinas.
Dati pa, ang US ay gumagawa na ng probokasyong militar sa China sa pamamagitan ng lumalaking ehersisyong militar at lakas-pamutok sa rehiyon. Nitong nakaraang buwan ng Mayo, sa Balikatan military exercises, pinaputok ng US ang Tomahawk missile mula sa kalupaan ng Pilipinas sa unang pagkakataon. Ang nasabing missile ay may kakayanang tumama sa mainland China.
Pinapatampok nitong pinakahuling ehersisyong militar ng China, na ang mga pang-uudyok ng US ay di habampanahon na hindi natutugunan. Ang pagpapaputok ng China ng sariling missile at pagpapadaan nito sa ating baybayin sa Northern Luzon patungong Pacific, ay hindi aksidente, kundi sinadyang tugon sa pagpapaputok ng US ng kaniyang missile mula sa Pilipinas. Ito ay mahigpit na babala sa atin sa panganib ng pagpaparaya sa mga base militar ng US sa Cagayan Valley at sa buong bansa.
Sa ating rehiyon mismo ay nakalagay ang tatlong base militar ng US – ang mga EDCA sites sa Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; ang Cagayan North International Airport sa Lal-lo, Cagayan at sa Camp Melchor de la Cruz sa Gamu, Isabela. Ang mga ito, maliban sa iba pang pasilidad sa rehiyon ay ginagamit ng US sa mga ehersisyong pandigma nito at sa pagpoposisyon ng kaniyang kagamitang pandigma kabilang ang Typhon at HIMARS missile systems sa mga baybayin ng Northern Luzon.
Sa paglulunsad ng US ng mga missile nito mula sa kalupaan ng Pilipinas, ginagawang direktang target ang ating mamamayan sa kontra-atake ng kaaway nito. At tayo’y walang mapapala sa paglulunsad ng ehersisyong pandigma at pagtatatag ng mga base militar ng US sa bansa kundi ang pagkakasadlak sa pagiging pambala-sa-kanyon sa sigalot ng mga imperyalistang kapangyarihan.
Ang mamamayan ng Cagayan Valley ay nagpahayag na ng kanilang mariing pagtutol sa pagkakatatag ng EDCA sites at pagsasagawa ng mga ehersisyong pandigma sa rehiyon. Ngayon na ang pinakakritikal na panahon upang lalo pang palakasin ang ating anti-imperyalistang alyansa at pakikibaka upang patigilin ang mga digmang agresyon ng imperyalistang US at tanggalin ang mga kagamitang pandigma at base militar nito sa rehiyon at sa buong bansa.
Nananawagan ang NDF-CV sa mamamayan ng Cagayan Valley na palawakin at pahigpitin ang ating pagkakaisa at tumipon sa mamamayang Pilipino na paigtingin ang ating kampanya upang labanan ang presensyang militar ng US sa Pilipinas. Hinihikayat at sinusuportahan natin ang lahat ng pagsisikap sa pagtatatag ng anti-imperyalistang kilusan upang igiit na ang ating rehiyon at ang buong teritoryo ng Pilipinas ay di magagamit ng pang-uudyok sa gera ng US at mga inter-imperyalistang digmaan.
Dapat tayong manindigan sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagpupunyagi sa ating pambansa demokratikong rebolusyon hanggang tagumpay na mapagpasyang magpapalaya sa atin sa pang-aalipin ng imperyalismong US.
Nananawagan tayo sa mamamayan ng Cagayan Valley, pangunahin sa mga kabataan, na tahakin ang di-napapatid na tradisyon ng anti-kolonyal ay anti-imperyalistang rebolusyon ng mamamayang Pilipino. Isulong ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pagsampa sa New People’s Army at pabagsakin ang imperyalistang paghahari ng US.











