“Sa ganito natin piniling ipagsilbi ang lakas, talino, husay at buhay natin. Mulat nating pinili ito kahit kapalit ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay dahil bahagi sila ng gusto nating paglingkuran, at saksi sila sa kaguluhan at kahirapang gusto nating wakasan.”
—Ka Sy, sa isang panayam noong Pebrero 2024
Si Jordan Mopon, mas kilala sa mga pangalang Boyong, Sy, JT, Moy, RF, Ilas, ay isang batikang Pulang kumander ng Bagong Hukbong Bayan at kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas sa lalawigan ng Rizal at buong rehiyon. Nabuwal siya habang magiting na lumalaban sa pasistang tropa ng 73rd DRC, 703rd Infantry Brigade noong Oktubre 17, 2025 sa Sityo Balagbag, Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan.
Siya ay kagawad ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan at kagawad ng Regional Operational Command ng New People’s Army. Pangalawang Kalihim sya ng komite ng Partido sa teatrong gerilya sa hangganang Rizal-Laguna-North Quezon at tumatayong Punong Kumander ng subrehiyunal na kumand sa operasyon nito.











