Matagumpay na hinaras ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte Island (Mt. Amandewin Command o BHB-MAC) ang isang kolum ng 14th Infantry Battalion sa bayan ng Javier, prubinsya ng Leyte kaninang alas-7 ng umaga.
Limang metros nalang ang distansya ng mga pasistang tropa sa mga nakakubling Pulang mandirigma nang mapaputukan. Nagtamo ng maraming kaswalti ang mga pasistang sundalo habang ligtas na nakaatras ang BHB.
Nagsasagawa noon ng combat-clearing operation ang mga pasistang tropa sa mga burol at ilog sa pagitan ng Barangay Odiong at Barangay Caraye ng nasabing bayan. Bahagi ito ng mas malawakang focused military operation ng 14th IB sa mga baryo sa pagitan ng Javier at Abuyog.
Ang atritibong aksyon ng BHB ay patunay na nagpupunyagi ang mga Pulang mandirigma at ang buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Leyte. Mahusay na napanghahawakan ng BHB ang linyang masa at ang taktikang gerilya upang pawalang-saysay ang mga bigwas ng 802nd Infantry Brigade. Lubos namang sinsusuportahan ng masa ang hukbong bayan at tinutulungan ito sa pagsasagawa ng mga taktikal nga opensiba laban sa mga pasistang tropang may inutang na dugo sa kanila.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay ang mamamayang lumalaban!
Inutang na dugo ng pasistang rehimen, singilin, pagbayarin!










