Ang Bayan Ngayon » Pangkulturang protesta laban sa PrimeWater, inilunsad ng WPN

Naglunsad ng pangkulturang protesta na tinawag na “Tubig! Isang kanta! Isang tula, isang talumpati laban sa pribatisasyon at para sa karapatan” ang Water for the People Network (WPN) kasama ang iba’t ibang organisasyon laban sa pribatisasyon sa serbisyo sa tubig noong Hunyo 4 sa harap ng Local Waters Utilities Administration (LWUA) sa Quezon City.

Kasama sa protesta ang mga grupo na Water Systems Employees Response (WATER), Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauulad ng Bayan (SUKI Network), Migrante, COURAGE, Alliance for Consumer Protection at Bayan.

Nanawagan ang WPN ng papanagutin ang Prime Water Infrastructure Company ni Manny Villar, isa sa pinakamalaking burgesya kumprador sa Pilpinas, na tampulan ngayon patung-patong na reklamo at pagpuputol ng mga JVA ng mga board ng water district dahil sa kulang at mababang kalidad ng tubig at mahal na singil sa serbisyo.

Sa protesta, nagbasa ng tula si Mimi Doringo ng Kadamay habang nag bigay ng pahayag si Joseph Cabellos ng People’s Rights Network -San Jose Del Monte. Kinanta ang awiting “Tubig!” si Leo Espelimbergo, tagapagsalita ng WPN at Sining Kanlungan.

Nagpadala rin ng bukas na liham ang grupo sa LWU at iba’t ibang ahensya ng gubyerno upang ipanawagan na 1. isapubliko ang mga kontrata sa Joint Venture Agreemen (JVA); 2. na tulungan ng gubyerno na padaliin ang pagtapos sa JVA ng mga local water district na nais tapusin ang kanilang kontrata dito.; 3. na ang mga konsumers ay katawanin at makonsulta sa proseso ng imbestigasyon sa mapaminsala na JVA at ang pagpawalang bisa dito; at 4. itigil ang lahat ng plano na pribatisasyon ng mga pampublikong produkto at serbisyo tulad ng tubig.

Nangako naman ang WPN na maglulunsad ito ng regular na pangkultural na protesta at umaasa ito na magkakaroon na katulad na mga aktibidad sa buong bansa para mas lumawak pa ang panawagan laban sa pribatisasyon ng serbisyo sa tubig.

Sa kasalukuyan, nasa 75% mula sa mahigit 100 local water district ang may JVA sa PrimeWater sa buong Pilipinas. May mga naghain na ng notice to pre-terminate ng JVA na mga local water district tulad ng sa San Jose Del Monte, Calumpit, Malolos, at Marilao (Bulacan); Trece Martires, Silang and Tagaytay (Cavite); Lucena (Quezon); Subic (Zambales); San Fernando, Angeles, and Mabalacat (Pampanga); Daet, Mercedes, and Basud (Camarines Norte); Bacolod (Negros Occidental); and others in Pangasinan, Bohol, Leyte and Bukidnon. Tinapos na ng Metro San Fernando Water District ng La Union ang kanilang JVA sa PrimeWater at agad na sinabalikat muli ang pananagsiwa sa serbisyo sa tubig, ngunit natigil rin ito matapos maghain ng Temporary Restraining Order ang Regional Trial Court batay sa apila ng PrimeWater.

Source link