PRWC » Alyansa kontra incinerator sa Maynila, binuo

Nagtipon noong Setyembre 30 sa San Pablo Apostol Parish Church sa Maynila ang daan-daang residente ng Smokey Mountain at iba pang barangay ng Tondo, at mga lider-relihiyoso at maka-kalikasang grupo para itatag ang Manila Anti-Incinerator Alliance (MAIA). Ang pagtitipon, na itinaon sa paggunita sa Day of Action Against Incineration, ay may layuning labanan ang planong pagtatayo ng ₱26-bilyong waste-to-energy (WTE) incinerator sa Barangay 128, Smokey Mountain.

Ang proyekto ay isang 100 megawatt na WTE Incineration Plant na itinutulak ng Manila Integrated Environment Corp. (MIEC), kumpanyang kontrolado ng Philippine Ecology Systems Corp. (PHILECO) na pag-aari ng negosyanteng si Reghis Romero II. Suportado ito ng kumpanyang Japanese na Kanadevia Corporation at nakabalangkas ang pagtatayo sa malawakang Port Modernization sa kahabaan ng pantalan sa Maynila.

Kabilang ang planta sa itinuturing na mga prayoridad na proyekto ng rehimeng Marcos at lokal na gubyerno ng Maynila sa pangunguna ni Isko Moreno. Ayon sa mga eksperto, masama sa kalusugan ang ibubugang usok ng incinerator. Dagdag dito, higit sa 2,000 pamilya o 23,000 residente at mangangalakal ang mapalalayas sa lugar ng konstruksyon nito.

Source link