Naglunsad ng isang gabi ng Oplan Pinta, Oplan Dikit, at Oplan Sabit (OPODOS), ang Artista at Manunulat ng Sambayanan-Timog Katagalugan-Balangay Jethro Ferrer (ARMAS-TK-JF).
Pinagpugayan ng mga Artista at Manunulat ng Sambayanan ang buhay ni Jethro Isaac Ferrer, martir ng sambayanan at bayani ng rebolusyong pangkultura, sa isang Cultural Fest kung saan naglunsad ng isang serye ng mga talakayan at palihan upang pagyabungin ang gawaing pangkultura ng mga rebolusyonaryong artista. Si Jethro Isaac Ferrer ay nagsilbi sa bayan bilang isang manunulat, mula sa panahong kanyang iginugol sa pagkilos sa kalunsuran hanggang sa buong-panahon siyang magpasyang tahakin ang dakilang landas ng pagiging Pulang Mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan.
Sa pagtatapos ng Cultural Fest ay binulabog ng ARMAS-TK-JF ang lansangan gamit ang mga piyesang naglalaman ng mga panawagan upang suportahan ng mga mamamayan ang Demokratikong Rebolusyong Bayan. Bitbit ng mga materyal na pampropaganda ang mga panawagan para sa pagsulong ng Digmang Bayan at ang paglahok dito sa pamamagitan ng pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan.
“ITANGHAL ANG IYONG SINING SA LARANGAN NG DIGMA!”, iyan ang isa sa mga panawagang ipininta ng ARMAS-TK-JF bilang hamon sa lahat ng artista na tanganan ang kanilang makasaysayang papel sa rebolusyon. Tanging sa armadong pakikibaka lamang mapapawi ng mga manggagawang pangkultura ang pangingibabaw ng kolonyal, pyudal, at burgis na kulturang inaanak ng malakolonyal at malapyudal na katangian ng Pilipinas.
Hamon din ng ARMAS-TK-JF sa mga mamamayang may-piniling-kasarian, tulad ni Jethro Ferrer, ang pagyakap sa rebolusyon bilang tanging solusyon para sa pagpapalaya ng kasarian mula sa macho-pyudal na kaayusan.
Artista ng bayan, magsilbi sa bayan!
Isulong ang rebolusyong pangkultura!
Ipagtagumpay ang digmang bayan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!











