Matagumpay na napalayas noong Hunyo 2 ng mga residente ng Sityo Green Valley, Barangay Nalus, Kiamba, Sarangani ang tropa ng 105th IB na ilang buwan nang nakakampo at naglulunsad ng kontra-insurhensyang Retooled Community Support Program (RCSP) sa kanilang komunidad. Labag sa internasyunal na makataong batas ang pagkakampo ng militar sa sentro ng barangay.
Nagkakaisang kumilos ang mga residente at gumawa ng mga hakbang para mapalayas ang mga sundalo. Kabilang sa ginawa ng mga residente ang sama-samang pag-alis sa sentro ng barangay para tumira sa ibabang bahagi ng komunidad. Sinuway rin nila ang mga utos ng mga sundalo katulad ng pagpapabli ng suplay, pag-iigib ng tubig at iba pa. Kasama sa mga pagkilos na ito ang mga lider ng sityo at ilang upisyal ng barangay.
Nagsisilbing kumander ng 105th IB si Lt. Col. Erikzen Dacoco na itinalaga noon lamang Pebrero. Ang batalyon ay mahigit tatlong taon pa lamang mula nang binuo sa ilalim ng 6th ID noong Pebrero 2023.











