Pahayag ng Kabataang Makabayan-DATAKO para sa ika-11 na Anibersaryo ng Pagkamartir ng Pulang Mandirigma ng Lacub

Madalas maraming agam-agam at kontradiksyon ang buhay ng isang pulang mandirigma. Marahil mapanghamon ang armadong pag-aambag at paglalakbay—na hindi tulad ng ibang landas—ngunit nangangako itong sumasambulat ng rebolusyonaryong panata, perspektiba, at mithiing makawala mula sa gapos ng pananamantala gaano man ito katagal. Sa matagalang panahon ng demokratikong rebolusyong bayan, ay malinaw ang naging gampanin nito sa pagsusulong ng tagumpay sa mga karapatan at interes ng mamamayan ng Kordilyera. Mula sa paglubog sa marahas na kalagayan ng uring magsasaka sa kanayunan ng Kalinga at Abra hanggang sa walang pag-iimbot na pag-apuhap sa bukas at buhay ng proletaryong rebolusyon.

Ngayong ika-11 taon na anibersaryo ng Lacub martyrs, palabang ginugunita at kinikilala ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan, at Kabataang Makabayan-DATAKO ang pinakamataas, pinakadakila, at pinaka-di matatawarang pagsaludo at pagpupugay para sa buhay na inialay nina Arnold Jaramillo, Brandon Magranga, Recca Noelle Monte, Pedring Banggao, Robert Beyao, Robert Perez, at Ricardo Reyes—mga magigiting anak ng bayan na buong tapang na pinili ang landas ng armadong paglaban.

Matatandaan na noong Setyembre 4 hanggang 6, 2014, yumanig sa Guinguinabang, Lacub, Abra ang hindi makatarungan at madugong “overkill” na operasyon ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army. Pitong Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) at dalawang sibilyang walang laban ang walang habas na pinaslang ng mga berdugong militar sa ilalim ng administrasyong Benigno Aquino III. Pinaghihinalaan silang dinakip, tinortyur, at pinatay. Kasama sa mga pinaslang ang NGO worker na si Engr. Fidela “Delle” Bugarin Salvador at ang magsasakang si Noel Vistena, na kapwang inialay ang kaniiang talino at buhay sa paglilingkod sa mamamayan. Ang ibang kasapi ng NPA, maliban kina Jaramillo, Monte at Salvador, ay nagmula sa mga iba’t ibang tribu sa Kordilyera—mga anak ng lupang ninuno na matagal nang dinidepensahan laban sa pananakop, pandarambong, at pasismo ng estado. Marami sa kanila ay dati ring mga estudyante at magsasaka, kumbaga ay nasa hanay ng petiburgesya katulad natin, na mula sa mga kilusang tumindig at humugot ng lakas upang yakapin ang digmang bayan.

Ang karimarimarim na pagkitil sa mga Pulang mandirigma at sibilyan ay lantarang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at iba pang mga pandaigdigang batas sa digmaan. Sa kabila ng walang pakundangang paglabag, nagpatuloy ang matinding militarisasyon na naghasik ng takot at hilakbot sa Lacub at mga karatig-bayan nito. Nagdulot ito ng malawakang pagbalasubas sa karapatan ng mga sibilyan at naglagay sa peligro’t panganib sa kanilang payapang pamumuhay, na nakaapekto rin sa kanilang kabuhayan tulad ng pagsasaka at maliitang pagmimina.

Kung babalikan ang kasaysayan kung paano nabuhay ang mga martir, ay nakatitiyak ang masang Pilipino na hindi kailanman nasayang ang kanilang panahon at oras. Noong dekada 1980, sa kasagsagan ng kilusan para sa pagpapanumbalik ng demokrasya, kabilang si Arnold Jaramillo sa mga lider-estudyante na nanguna sa pagsulong ng laban upang wakasan ang diktadurya ng rehimeng Marcos. Kaniya ring pinamunuan ang isang makasaysayang pagkilos ng libo-libong kabataan at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan sa lungsod ng Baguio upang mariing tutulan ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa pamantasan. Sa kaniyang masikhay at makabayang pamumuno, mahigit 18,000 estudyante ang nagtipon sa mga lansangan.

Hindi kalaunan ay pinili ni AJ ang ‘di pangkaraiwang daan: ang mamuhay kasama ng masa sa kanayunan at ialay ang sarili sa kanilang pakikibaka. Bagaman maaari niyang piliin ang isang matiwasay at maginhawang buhay sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya, pinili niyang ipaglingkod ang kanyang talino at lakas para sa kapakanan ng mga inaapi. Sa kanyang dakilang desisyon at matatag na paninindigan, siya ay naging bannuar ti umili na nanindigan hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay.

Mula sa kalunsuran ng Diliman, ay tinungo naman ni Recca “Ka Tet” Monte ang komunidad ng Kalinga. At ‘di kalaunan ay napagpasyahang tumangan ng armas sa mismong araw ng kaniyang kaarawan at sa ika-18 na Araw ng Kordilyera. Bilang dating mag-aaral ng inhinyerong pang-industriyal, ibinahagi niya ang kaniyang natutuhan sa pamantasan hinggil sa pagpapatayo ng mini-hydro structures para sa mga komunidad ng Kaigorotan at magsakaka na walang maayos na akses sa elektrisidad.

Katulad ng mga martir ng Lacub, hamon din sa malawak na hanay ng kabataan at petiburges na tanganan nang walang pag-iimbot ang landas ng armadong rebolusyon at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Marami pang mga kabataang magsasaka ang binabarat at pinagsasamantalahan ng panginoong may lupa, mga mag-aaral na nagtitiis sa neoliberal na sistema ng edukasyon upang sa huli ay maging kalakal at lubos na mapakinabangan ng mga malalaking korporasyon, mga kabataang kababaihan na nakararanas ng sekswal na pang-aabuso, kabataang LGBT na ginagapos ng isang patriyarkal at pyudal na sistema, at mga kabataang Katutubo na inaagawan ng lupang ninuno at sariling pagpapasiya.

Naniniwala ang KM-DATAKO na patuloy na mag-aanak ang rebolusyonaryong kilusan ng mga kabataang tatangan ng armas hangga’t walang-tigil na umiigting ang ganitong uri ng kondisyon ng lipunan. Habambuhay na pagpupugayan ng KM-DATAKO ang kadakilaan ng siyam na martir ng Lacub, at habampanahong isasabuhay at tatanganan ang prinsipyo, teorya, praktika, at buhay na kanilang ipinamalas para mas ibayong paghusayan ng mga kabataan ang pag-oorganisa at pagmomobilisa ng mas marami pang hanay ng sambayanang Pilipino hanggang tahakin ang landas na pinapula ng araw at dugo. Mag-oorganisa ng masangmagsasaka, manggagawa, Katutubong Pilipino, kabataang estudyante, at kababaihan upang kubkubin ang pampolitikal na kapangyarihan mula kanayunan hanggang kalunsuran.

Patuloy tayong magpakasikhay sa pagluluwal at pagpapanday ng mas marami pang mga rebolusyonaryo, pulang mandirigma, kumander ng Bagong Hukbong Bayan na magpapalakas sa armadong pakikibaka tungo sa isang hangaring marangal, dakilang pananaw, at lipunang makatao, tunay, at malaya. Lubusin ang pagkasa at palargahin ang pakikidigmang gerilya sa buong Kordilyera bilang ambag sa pagsulong ng estratehikong pagkapatas ng digmang bayan. Madalas maraming agam-agam at kontradiksyon ang buhay ng isang pulang mandirigma. Marahil mapanghamon ang armadong pag-aambag at paglalakbay—na hindi tulad ng ibang landas—ngunit nangangako itong sumasambulat ng rebolusyonaryong panata, perspektiba, at mithiing makawala mula sa gapos ng pananamantala gaano man ito katagal.

Kabataan, lumahok sa matagalang digmang bayan!
Ngayon na ang panahon para tugunan ang hamon ng armadong pakikibaka!
Agbiag ti rebolusyonaryo nga karit ni Ka Mando ken ti naduma-duma pay nga martir ti
Lacub! Pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga martir ng Lacub, Abra!
Itandudo ti rebolusyong Pilipino inggana ti Estratehiko nga Pananakapatas inggana balligi!
Agbiag ti Partido Komunista ti Pilipinas!
Agbiag ti Bagong Hukbong Bayan!

Source link