“Nahukay” na bomba 78th IB sa Samar, fake news

Nagsisinungaling ang 78th IB sa sinabi nitong nakahukay ito ng mga pampasabog ng NPA sa Barangay Magsaysay, Mapanas noong Hulyo 6. Walang itinagong gayong mga bomba ang NPA sa Mapanas.

Tinawag ng NPA na fake news ang pahayag ni Lt. Col. Francis Rosales, kumander ng 78th IB. Ayon sa NPA-Northern Samar, “nakakatawa at desperado” ang gayong pagbabalita ng 78th IB, na walang ibang layunin kundi palabasing may nagawa ang AFP sa paglaban sa NPA sa Northern Samar.

Paghahabol din ito ng dagdag na gantimpala para sa kanya at kanyang mga tauhan. Inihalintulad ito ng NPA sa pag-recycle ng AFP ng pekeng mga “surenderi.”

Tinawag din ng NPA-Northern Samar si Rosales na “ignorante” sa kanyang pahayag na “bawal” sa international humanitarian law ang mga pampasabog ng NPA. Ang tipo ng mga pampasabog ng NPA ay command-detonated, at hindi ito ipinagbabawal sa modernong digma.

Source link