78 na kadre at Pulang mandirigmang sadyang pinaslang, mga krimen sa digma at seryosong paglabag sa IHL

Sa araw ng ginugunita ang internasyunal na makataong batas (international humanitarian law o IHL), inilalabas ng Ang Bayan ang espesyal na ulat kaugnay sa mga krimen sa digma at malalalang paglabag ni Ferdinand Marcos Jr, katuwang ang kanyang mga upisyal sa depensa at Armed Forces of the Philippines, sa takbo ng pakikidigma nito sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagang Hukbong Bayan.

Lubos na pinabubulaanan ng ulat na ito ang mga pahayag ni Marcos na tumatalima ang kanyang rehimen sa IHL, na ipinagmamayabang pa niya sa pamamagitan ng pag-aktong taguyod sa Asia Pacific Regional Conference on International Humanitarian Law. Walang-wala sa katotohanan ang pinalalabas ni Marcos na “bumuti” na ang kalagayan sa karapatang-tao sa bansa, at mayroon nang “kapayapaan” laluna sa kanayunan.

Mula sa madugong Development Support and Security Plan (DSSP) Kapayapaan ng rehimeng Duterte, binuo ni Marcos ang PLEDS (Peace, Law Enforcement, Development Support) “Pagkakaisa” para ipagpatuloy ang brutal na kampanya ng gradual constriction na pinalamutian ng mga deklarasyong ng “istabilidad” at “lokal na kapayapaan.” Katulad ng DSSP Kapayapaan, walang humpay sa PLEDS ni Marcos ang paglulunsad ng malalawak na operasyong kombat sa mga komunidad na pinaghihinalaang may nakatayong “rebolusyonaryong imprastruktura.” Ipinailalim nito sa kontrol ng militar ang mga komunidad, niyurakan ang mga karapatan at kalayaan ng mga sibilyan at sinakal ang kanilang kabuhayan, lahat sa diumano’y “pagpigil sa pagbabalik” ng hukbong bayan.

Inilalabas ng AB ang espesyal na ulat na ito bilang bahagi ng pagsisikap na panagutin si Ferdinand Marcos Jr at mga upisyal niya sa depensa at Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at paramilitar sa kanilang mga krimen sa digma at ibang seryosong paglabag ng internasyunal na makataong batas. Nakatuon ito pangunahin sa mga paglabag sa mga alituntunin kaugnay sa direkta at di direktang sangkot sa armadong tunggalian. Saklaw ng ulat na ito ang mga armado at di armadong mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at myembro ng Bagong Hukbong Bayan. Saklaw ng ulat ang mga kaso mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2025.

Laman nito ang mga kaso ng 78 indibidwal na sadyang pinatay ng mga pwersa ng estado, kabilang ang anim na konsultant ng NDFP usapang pangkapayapaan; anim na dinukot at iwinala; 13 dinakip at ipinailalim sa sikretong detensyon; dalawang pamimilit at di makataong detensyon; apat na insidente ng paggamit ng sobra-sobrang dahas na labag sa prinsipyo ng proportionality at 10 dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kaso, kabilang ang anim ding konsultat ng NDFP.

Ang mas malawak na pagtutuos ng mga krimen ng rehimeng Marcos ay nakapaloob sa semestral na mga espesyal na ulat ng AB na matatagpuan sa website ng PRWC.

I-download dito: Ang Bayan Special Report | August 12, 2025

Source link