Ang Bayan Ngayon » 12th CMO, inireklamo sa CHR ng mga residente ng Marikina City

Nagtungo sa Commission on Human Rights ag mga lider ng Gabriela Women’s Partylist-Marikina noong Hulyo 17 upang ireklamo ang panliligalig at perwisyo ng pakitang-taong serbisyo ng 12th Civil Military Operations (CMO) Battalion sa kanilang komunidad.

Nananawagan ang grupo ng masusing imbestigasyon ukol sa presensya ng militar at paulit-ulit na “community outreach program” sa Marikina.

Matapos ibalita sa facebook ang ginawang hakbang ng grupo, dinagsa ng troll ang Facebook page nito at nag-iwan ng samusaring mararahas na kumento.

Kinundena ng Karapatan-National Capital Region ang koordinadong online campaign laban sa GWP-Marikina. Anito, layon nitong pawalang-kredibilidad ang mga reklamo, pigilan ang mga biktima na magsalita, at ilihis ang atensyon mula sa tunay na mga isyu.

Nanawagan ang grupo sa Commission on Human Rights at sa iba pang may kinauukulang awtoridad na magsagawa ng patas, walang kinikilingan, at masusing imbestigasyon sa mga reklamong inihain laban sa 12th CMO.

“Hinihikayat namin ang may awtoridad na suriin ang mas malawak na padron ng militarisasyon at ang paulit-ulit na mga ulat ng paglabag sa karapatang-tao sa mga apektadong komunidad. Nanawagan din kami ng agarang pagtigil sa sabayang kampanya ng disimpormasyon laban sa mga biktima at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao,” pahayag ng Karapatan-NCR.

Source link