[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ custom_arrow_bg=” id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/11/editorial_20171107_TBnfg0c-300×269.jpg’ attachment=’7670′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′]
[av_heading heading=’Ubos-kayang labanan “ang todo-largang gera” ni Duterte’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’ av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Editoryal | Ang Bayan | Nobyembre 7, 2017
[/av_heading]
[/av_section]
[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’EDITORYAL’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ang Bayan
Nobyembre 7, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]
[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[av_dropcap1]P[/av_dropcap1]aulit-ulit na idineklara ng pasistang hari-hariang Rodrigo Duterte na matapos ang pagkubkob ng AFP sa Marawi, itutuon niya ang kanyang mga tropa laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa tinagurian niyang “full-scale” o todo-largang gera.
Ilang batalyon na ng AFP ang muling ipinakat para maglunsad ng todo-gera sa ilalim ng Oplan Kapayapaan. Idineklara ng pamunuan ng AFP ang layuning “ganap na puksain” ang BHB sa katapusan ng 2018.
Inianunsyo ng AFP na matatapos na nito ang rekrutment at pagsasanay sa hindi bababa sa 8,000 tropa sa katapusan ng Nobyembre. Target nitong magrekrut ng 5,000 pang tropa sa Enero 2018. Ang pagmamadali sa rekrutment ay alinsunod sa layuning magtatag ng sampu pang batalyon ng mga pasistang tropa para labanan ang BHB. Minamadali rin ni Duterte ang pagbili ng mga ripleng awtomatik, mga pandigmang helikopter at mga bomba at rocket mula sa US, China at Russia para itutok at gamitin laban sa mamamayang Pilipino.
Mayorya ng bagong mga batalyon ay ipapakat sa ilalim ng Eastern Mindanao Command, ang paboritong kumand ni Duterte, na ngayo’y may pinakamadugong rekord sa dami ng pinatay na magsasaka sa nagdaang taon. Isang bagong batalyon, ang 88th IB, ay ipinakat na sa Maramag, Bukidnon.
Nananaginip nang gising sina Duterte at kanyang mga upisyal militar sa pagsabing “wala ni isang matitira” sa mga myembro ng Partido Komunista ng Pilipinas at BHB sa katapusan ng 2018. Mistulang nakadroga siya sa pangangarap na magagawa ng AFP sa loob ng isang taon ang hindi nito nagawa sa nagdaang 50 taon ng paniniil at armadong pagsupil.
Mahigit nang 100 ang kaso ng pagpatay sa mga aktibista, 91 dito ay mga magsasaka, sa ilalim ng Oplan Kapayapaan ni Duterte. Sa pagkahumaling ni Duterte, ng US at ng AFP na “pulbusin” ang BHB, tiyak na dadami ang kaso ng mga pagpatay at iba’t ibang kaso ng paglapastangan sa karapatang-tao. Sinasakop ng utak-gerang mga yunit ng AFP ang mga komunidad, tinatarget at pinapatay ang mga aktibistang magsasaka na nakikibaka para sa lupa at laban sa mga mina at plantasyon. Ang mga minoryang grupong Lumad sa Mindanao, sa partikular, ay tinatarget ni Duterte. Winawasak ng mga pasistang sundalo ang mga paaralan, kooperatiba, sakahang pangkomunidad at iba pang proyektong sosyo-ekonomiko na tinatatakan nilang “proyekto ng NPA.” Lalo pang dadami ang mga sibilyang mabibiktima ng mga sundalong naghahabol ng patong sa ulo laban sa BHB.
Sinusunod ng AFP ang utos ni Duterte na “patagin ang mga bundok.” Parami nang parami ang mga sibilyang komunidad na hinuhulugan ng bomba o kinakanyon ng AFP na may suporta ng US upang sindakin at yanigin ang mga tao at pwersahin silang lumuhod sa mapang-abusong kapangyarihan ng militar. Ang mga imahe ng ganap na pagwasak sa Marawi ay ginagamit para takutin ang mga tao sa mga base ng rebolusyonaryong kilusan.
Sa harap ng lumalaking bilang ng mga kaso ng pagpatay at pag-abuso ng AFP, nananawagan ang Partido sa mamamayan na matatag na labanan at biguin ang pinatitinding todong gera ng rehimeng US-Duterte.
Dapat palaganapin ang mga pag-aaral sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) upang itaas ang kaalaman ng mamamayan sa kanilang mga karapatang pampulitika, sosyo-ekonomiko at pangkultura at iangat ang militansya na ipaglaban ang mga ito.
Hinihingi ng sambayanang Pilipino na wakasan na ang batas militar sa Mindanao. Matatag silang naninindigan laban sa mga bantang pagpapataw ni Duterte ng pasistang diktadura. Determinadong-determinado laluna ang masang magsasaka na ipagtanggol ang kanilang mga tahanan at komunidad at puspusang labanan ang pagsakop sa kanila ng AFP. Nagkakaisang sigaw nila ang pagpapalayas ng mga tropa ng AFP.
Iginigiit ng bayan ang demilitarisasyon ng burukrasya at serbisyong pampubliko. Hinihingi nila ang pagkaltas sa badyet ng AFP at paghinto sa pagpaparami ng mga pasistang tropa na katumbas ng mas maraming pagpaslang, pang-aabuso at pambobomba.
Ipinaglalaban ng bayan ang pagwawakas sa panghihimasok militar ng US, ang panunulsol nito ng gera at ang tuwiran at di tuwirang paglahok sa mga operasyong counterinsurgency. Hinihingi nilang ibasura ang mga tagibang na kasunduang militar tulad ng Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement na nagpapalawig at nagpapahigpit sa kontrol nito sa AFP.
Mahigpit na nagkakaisa ang bayan sa sigaw na wakasan ang paghuhulog ng bomba bilang sandata sa malawakang pagwawasak na nagsasapeligro sa buhay ng mga sibilyan, nagwawasak sa kabuhayan ng mamamayan, sumisira sa kalikasan at nagbubunga ng malawakang takot, laluna sa mga bata.
Ang Bagong Hukbong Bayan ay patuloy na sumusulong nang matatag sa armadong paglaban sa pinaigting na todong gera ng rehimen. Bibiguin nito ang ambisyon ni Duterte na pulbusin ang mga armadong rebolusyonaryong pwersa sa katapusan ng 2018. Patuloy na isinusulong ang gerilyang pakikidigma sa buong bansa, inaagaw ang mga armas mula sa kaaway, nagrerekrut ng parami nang paraming mga Pulang mandirigma, nagpapalawak ng bilang at saklaw ng mga sonang gerilya, naglulunsad ng rebolusyong agraryo at nagkokonsolida ng rebolusyonaryong baseng masa.
Sa pagpapakawala ng pasistang karahasan sa tripleng gera ng maramihang pagpatay at pagpaslang at pagwasak, nagawa ng rehimeng Duterte na pukawin ang sambayanan na maglunsad ng todong armado at di-armadong paglaban. Kinukuha ng sambayanang Pilipino ang inisyatiba para maglunsad ng iba’t ibang anyo ng pakikibaka para labanan ang tripleng gera, todong liberalisasyon at pagpapakatuta ng rehimeng Duterte sa imperyalismong US.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth][av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/11/20171107pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[/av_one_fifth]