To Duterte

Information Bureau | Communist Party of the Philippines

July 8, 2018 | Tagalog»

You declaim, “Let us go to war!” like a drug-crazed war freak. As if you gave peace a chance. Over the past two years, despite your peace prattle, not once did you silence the guns of war.

You have never ordered your soldiers to relent in their offensives. Peaceful rural barangays are no more with battalions of soldiers occupying their villages. People are gravely suffering under your total war, spuriously named “Oplan Kapayapaan.” You ignore their pleas. You drown their cries by raining bombs over their homes and fields. You drive them away from their lands which you and your minions covet .

You have repeatedly tripped the peace talks just as these were making headway. You come up with one unacceptable condition after another. Now you repeat ad nauseam the lie that the NDFP wants to share power with you. (They do not.) Or that the GRP has been at the losing end of all past agreements. You plan to throw 25 years of hard work down the drain. Clearly you do not want peace. At least, not one that fixes the people’s problems which rouse them to rise up in arms–landlessness, unemployment, very low wages, rising prices, burdensome taxes, corruption and bureaucrats like you making money. What you want is for the revolutionary forces to surrender and bow before you. Indeed you are drunk with power.

You think you can get away with your crimes and abuses. The Filipino people will not allow it. Your dream of silencing the people will fail. Your schemes of a dictatorship will fail. You wish to end the people’s armed resistance. You will definitely fail. Like your idol Marcos, you will end up right on top of the trash heap of history.


Sa iyo, Duterte

Kawanihan sa Impormasyon | Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 8, 2018

“Maggera na lang tayo!”, sabi mo, tulad ng lasing-sa-drogang utak-pulbura. Akala mo’y sino kang maka-kapayapaan. Puro ka lang naman satsat, pero ni minsa’y di mo pinahupa ang tindi ng gera.

Di mo ipinag-utos sa mga sundalo mong itigil ang mga opensiba. Ngayon, wala nang kapayapaan sa mga barangay sa bukid na sinakop ng bata-batalyon mong sundalo. Labis-labis ang pagdurusa ng mga tao sa ilalim ng todong gera mo, na kabalintunaang tinagurian mong “Oplan Kapayapaan.” Bingi ka sa kanilang daing. Nilulunod mo ang kanilang sigaw sa pagsabog ng mga bombang inihuhulog sa kanilang mga bahay at bukid. Pinalalayas mo sila sa kanilang lupang pinagnanasahan mo at ng iyong mga alipures.

Ilang ulit mong tinapilok ang usapang pangkapayapaan. Pabagu-bagong ang mga kundisyon mo. Ngayon naman, paulit-ulit mong pinalalabas na gusto ng NDFP na maghati sa iyo ng kapangyarihan. (Hindi iyan ang kanilang gusto!) Kamo, luging-lugi ang GRP sa lahat ng kasunduan sa nakaraan. Gusto mo talagang sayangin ang pinaghirapang buuin sa nagdaang 25 taon. Malinaw na malinaw na ayaw mo ng kapayapaan. Iyong kapayapaan na lumulutas sa mga problema ng bayan—kawalang lupa, kawalang trabaho, napakababang sahod, sumisirit na presyo, nakalulumpong buwis, korapsyon at pagnanakaw ng mga burukratang tulad mo. Ang gusto mo lang ay sumurender at lumuhod sa iyo ang mga rebolusyonaryo. Talagang lango ka sa kapangyarihan!

Akala mo’y malulusutan mo ang lahat ng krimen at abuso mo. Hindi papayag ang mamamayang Pilipino. Ang pangarap mong patahimikin ang bayan ay mabibigo. Ang iskema mong maging diktador ay mabibigo. Nananaginip ka ng gising sa pag-aakalang magagapi mo ang armadong paglaban ng bayan. Tiyak kang mabibigo. Tulad ng idolo mong si Marcos, itatapon ka sa basurahan ng kasaysayan.