Strengthen the NDFP and carry forward the people’s democratic revolution!

Message of the Communist Party of the Philippines to its allies in the National Democratic Front of the Philippines on the occasion of the NDFP’s 45th founding anniversary

April 24, 2018 | Pilipino»

The Filipino people’s revolutionary forces today are holding celebrations across the country and around the globe to mark the 45th anniversary of the founding of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP). The leadership and entire membership of the Communist Party of the Philippines (CPP) join this celebration and extend profound greetings of solidarity to their allies in the NDFP.

Uniting the Filipino people
The theme of the NDFP’s 45th anniversary celebrations, “Build the broadest united front to strengthen the organs of political power and the people´s democratic government” correctly points out to the current historic role being played by the NDFP. Indeed, the NDFP plays an important role in building the broadest unity of the Filipino people as they wage revolutionary armed struggle and civil war against the ruling reactionary regime.

The NDFP was established in 1973 based on the initiative and preparations made by the Party since the latter’s reestablishment. It initially brought together the national democratic organizations that went underground upon martial declaration in 1972 by the Marcos dictatorship. They are united by the Filipino people’s aspiration for national and social liberation as crystallized in the Party’s Program for a People’s Democratic Revolution and the NDFP’s 12-Point Program. The NDFP’s immutable commitment to advance the revolution has enhanced its prestige among the people. It continues to draw support and attract new allies. The NDFP has now 18 affiliate revolutionary organizations.

The NDFP is the most consolidated united front organization of basic revolutionary forces under proletarian leadership. It is established on the foundation of the basic alliance of workers and peasants, chiefly expressed by the Party’s leadership of the New People’s Army, as well as by revolutionary mass organizations among various sectors of the toiling masses. It is further composed of various organizations among the petty-bourgeoisie. It reaches out and wins over the middle bourgeoisie and establishes temporary alliances with other class forces to isolate the main enemy.

The NDFP is a united front that steadfastly serves the revolutionary armed struggle being waged by the NPA. For four decades and a half, allied organizations of the NDFP have extended political and material support to the NPA. From the ranks of the NDFP allies have emerged Red fighters and commanders of the NPA.

As a solid united front, the NDFP has served as the strong underground core of broad people’s movements. It served as the mainstay in the broad anti-dictatorship struggle against the Marcos regime. In 1981, it represented the Filipino people in the case against the Marcos regime before the International People’s Tribunal. It has unwaveringly represented the national democratic interests of the Filipino people in the past three decades of successive pseudo-democratic regimes since 1986.

Building and representing the people’s democratic government
By waging protracted people’s war and building the armed strength of the people, organs of political power are being established across the country, primarily in the countryside. These are built from the village level up on the foundations of peasant revolutionary mass organizations. There is a proliferation of revolutionary committees nationwide at the village level. These mobilize the people to carry out land reform and antifeudal struggles, as well as undertake efforts to raise the people’s livelihood. These provide educational, health, economic and other public services. Local conflicts are settled through arbitration. Peace and order is maintained through the mobilization of militias and self-defense units. Drug and other criminal syndicates are prevented from operating in these areas.

The NDFP serves as framework for establishing revolutionary organs of governance at the municipal, district, provincial and regional levels. The national entirety of these organs of political power comprises the people’s democratic government (PDG), albeit in rudimentary form. It administers justice and exercises such state prerogatives as taxation. It implements environmental and other policies in line with the people’s nationalist and democratic aspirations.

Under the Party’s absolute leadership, the NPA serves as the PDG’s armed force. It defends the PDG, helps strengthen and expand its authority and enforces its policies. It engages in civil war against the ruling Government of the Republic of the Philippines (GRP) which represent the ruling classes of big bourgeois compradors and big landlords under US imperialist hegemony.

The NDFP represents the PDG until it can be formally established. As such, the NDFP has established proto-diplomatic relations with states and other international agencies. It has also represented the PDG in peace negotiations with the GRP since 1986. For more than 25 years, this has been governed by the terms set by The Hague Joint Declaration signed in 1992. The NDFP jointly signed with the GRP the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) in 1998.

Peace negotiations with the Duterte regime
In 2016, the NDFP spiritedly pursued peace negotiations with the Duterte regime after the latter made public declarations of being “Leftist” and anti-American and promising to release political prisoners, support land reform and pursue an independent foreign policy. As a way of engaging and encouraging such declarations, which no reactionary regime made prior, the NDFP acceded to an indefinite ceasefire which lasted a good six months.

In four rounds of peace talks, the NDFP vigorously asserted and advanced the cause of fundamental social reforms and sought the broadest support of all progressive and positive forces. The NDFP came up with a more detailed program which addresses the central socio-economic and political issues of the civil war. The NDFP’s draft on Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) is a practical blueprint of necessary and applicable reforms. It was able to further strengthen and broaden its ties with various patriotic and democratic classes and sectors, as well as with elements of the ruling classes.

Duterte, however, turned his back against his own declarations of reform and mounted an increasingly brutal and cruel war of suppression under Oplan Kapayapaan, targeting unarmed peasants and minority peoples defending their land. Aerial bombing, curtailment of rights to travel and engage in commerce, food and aid blockades, illegal arrests, torture and killings are the norm under Duterte’s martial law in Mindanao and virtual martial law across the country, especially in the rural areas.

Duterte refused to fulfill his promise to issue a general amnesty proclamation to release all political prisoners. He stubbornly demanded the NDFP to commit itself to a prolonged ceasefire prior to any agreement on substantive issues, contrary to the established agenda and succession of issues. Failing to use the peace talks to tie the hands of the revolutionary forces, Duterte declared the termination of peace negotiations with the NDFP in November last year, and subsequently declared the Party and NPA as terrorists and ordered the arrest of the NDFPs’ peace consultants.

Amid increasing isolation brought about by strong resistance to his tyranny, Duterte has recently made overtures to revive peace talks, but has yet to make substantive measure to bring the talks back to track.

Build the broadest anti-fascist united front against the Duterte regime
The Filipino people are currently suffering gravely under the tyranny and terrorism of the US-Duterte regime. As the strongest united front organization, the NDFP plays an important role in building the Filipino people’s broadest unity to isolate and resist the US-Duterte regime. By waging revolutionary resistance, both in the urban underground as well as in rural armed struggle, the NDFP helps strengthen the people’s determination to fight and defeat the despicable regime.

In line with the principles of united front building, the basic revolutionary forces must be resolutely strengthened to serve as solid foundation, rampart and scaffolding for building the broadest anti-fascist united front against the Duterte regime. To do so, the broad masses of workers and peasants must be mobilized in a big way to expose and actively resist the fascist attacks of the Duterte regime against the people. Solid blows by New People’s Army against Duterte’s fascist machinery will rouse widespread resistance against the regime’s tyranny and terrorism.

All revolutionary forces allied with the NDFP must help in building the broadest anti-fascist united front against the Duterte regime. They must exert effort to link up the struggles against Duterte’s fascist terrorism with the people’s anti-imperialist and antifeudal struggles. By doing so, the NDFP is being further strengthened as a united front for advancing the people’s democratic revolution.

The Filipino people’s determination to advance the national democratic revolution is being further steeled amid the worsening crisis of the semicolonial and semifeudal system. Under the leadership of the Party, the strength of the NPA and reach of the NDFP, they look forward to attaining complete victory in their struggle for national and social liberation.


Palakasin ang NDFP at isulong demokratikong rebolusyong bayan!

Mensahe ng Partido Komunista ng Pilipinas sa mga kaalyado nito sa National Democratic Front of the Philippines sa okasyon ng ika-45 na anibersaryo ng NDFP

Abril 24, 2018

Naglulunsad ngayong araw ang mga rebolusyonaryong pwersa ng sambayanang Pilipino sa buong bansa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng mga pagdiriwang upang gunitain ang ika-45 anibersaryo ng pagtatatag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Nakikiisa ang pamunuan at buong kasapian ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagdiriwang na ito at nagpapaabot ng pagbati ng taos na pakikiisa sa NDFP.

Pagbubuklod sa sambayanang Pilipino
Ang tema ng ika-45 anibersaryo na pagdiriwang na ito ng NDFP, “Itatag ang pinakamalawak na nagkakaisang prente para palakasin ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at ang demokratikong gubyernong bayan” ay wastong tumutukoy sa kasalukuyang istorikong papel na ginagampana ng NDFP. Tunay ngang importante ang ginagampanang papel ng NDFP sa pagtatatag ng pinakamalawak na pagkakaisa ng sambayanang Pilipino sa pagsusulong nila ng ng armadong rebolusyonaryong pakikibaka at gera sibil laban sa naghaharing reaksyunaryong rehimen.

Itinatag ang NDFP noong 1973 batay sa inisyatiba at paghahandang ginawa ng Partido mula nang muli itong itinatag. Panimula nitong binuklod ang mga organisasyong pambansa-demokratiko na naging iligal nang ikdelara ng diktadurang Marcos ang batas militar noong 1972. Binubuklod sila ng hangarin ng sambayanang Pilipino para sa pambansa at panlipunang paglaya na inilinaw sa Programa para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan ng Partido at sa 12-Puntong Programa ng NDFP. Ang di nagbabagong paninindigan ng NDFP na isulong ang rebolusyon ay nagtataas sa prestihiyo nito sa bayan. Patuloy itong umaani ng suporta at bagong mga alyado. May 18 rebolusyonaryong organisasyong kaanib sa NDFP.

Ang NDFP ang pinakakonsolidadong nagkakaisang prenteng ng mga batayang rebolusyonaryong pwersa sa ilalim ng proletaryong pamumuno. Itinatag ito sa pundasyon ng batayang alyansang manggagawa at magsasaka, na pangunahing naisasakongkreto sa pamumuno ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan, gayundin sa iba pang mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa hanay ng iba’t ibang sektor ng masang anakpawis. Binubuo rin ito ng iba’t ibang organisasyon sa hanay ng petiburgesya. Inaabot at kinakabig nito ang panggitnang burgesya at nagtatatag ng pansamantalang alyansa sa iba pang mga pwersang maka-uri upang ihiwalay ang pangunahing kaaway.

Ang NDFP ay nagkakaisang prenteng matatag na sumusuporta sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka na isinusulong ng BHB. Sa apat at kalahating dekada, nagbibigay ang mga alyadong organisasyon ng NDFP ng suportang pampulitika at materyal sa BHB. Mula sa hanay ng mga alyado ng NDFP ay lumitaw ang mga Pulang mandirigma at kumander ng BHB.

Bilang solidong nagkakaisang prente, ang NDFP ay nagsilbing matatag na lihim na gulugod ng malawak na mga kilusan masa. Nagsilbi itong pinakamaaasahang pwersa sa malawak na pakikibakang anti-diktadura laban sa rehimeng Marcos. Noong 1981, kinatawan nito ang sambayanang Pilipino sa kaso laban sa rehimeng Marcos na isinampa sa International People’s Tribunal. Walang-tigatig nitong kinatawan ang pambansa-demokratikong interes ng sambayanang Pilipino sa tatlong dekada ng magkakasunod na pseudo-demokratikong mga rehimen mula 1986.

Pagtatatag at pagkakatawan sa bagong demokratikong gubyerno
Sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan at pagtatatag ng armadong lakas ng bayan, naitatayo ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa buong bansa, pangunahin sa kanayunan. Itinatatayo ito mula sa antas baryo pataas sa pundasyon ng mga rebolusyonaryong organisasyong masang magsasaka. Laganap sa buong bansa ang mga rebolusyonaryong komite sa antas baryo. Pinakikilos nito ang mamamayan para isulong ang reporma sa lupa at mga pakikibakang anti-pyudal, at nagsisikap na itaas ang kabuhayan ng mamamayan. Nagbibigay ito ng pampublikong serbisyo sa edukasyon, kalusugan, ekonomya at iba pa. Pinaplantsa nito ang mga lokal na hidwaan sa pamamagitan ng arbitrasyon. Pinananatili ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga milisya at yunit pananggol sa sarili. Hinahadlangan sa mga eryang ito ang operasyon ng mga sindikatong kriminal tulad sa droga.

Nagsislbing balangkas ang NDFP para sa pagtatatag ng mga rebolusyonaryong organo ng pamamahala sa antas bayan, distrito, prubinsya at rehiyon. Ang pambansang kabuuan ng mga organo ng kapangyarihang pampulitikang ito ang bumubuo ng demokratikong gubyernong bayan (DGB), bagaman sa panimulang anyo pa lamang. Pinamamahalaanan nito ang katarungan at gumagamit sa mga karapatang pang-estado tulad sa pagbubuwis. Ipinatutupad nito ang mga pangkapaligiran at iba pang patakaran alinsunod sa makabayan at demokratikong hangarin ng bayan.

Sa ilalim ng absolutong pamumuno ng Partido, ang BHB ay nagsisilbing armadong pwersa ng DGB. Ipinagtatanggol nito ang DGB, pinalalakas at pinalalawak ang awtoridad nito at ipinatutupad ang mga patakaran nito. Nakikipaggerang sibil ito sa naghaharing Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) na kumakatawan sa mga naghaharing uring malalaking burgesyang kumprador at malalaking panginoong maylupa sa ilalim ng paghahari ng imperyalismong US.

Kinakatawan ng NDFP ang DGB hanggang di pa ito pormal na itinatatag. Gayon, nakapagsimula ito ng proto-diplomatikong sa ibang mga estado at ahensyang internasyunal. Kinatawan din nito ang DGB sa pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa GRP mula 1986. Sa nagdaang mahigit 25 taon, isinasagawa ito sa ilalim ng mga alituntuning itinakda ng The Hague Joint Declaration na pinirmahan noong 1992. Kasama ng GRP na pinirmahan ng NDFP ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) noong 1998.

Pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa rehimeng Duterte
Noong 2016, buong sigasig na nakipagnegosasyong pangkapayapaan ang NDFP sa rehimeng Duterte matapos magdeklara na ito’y “Kaliwa” at anti-Amerikano at mangakong palalayain ang mga bilanggong pulitikal, susuportahan ang reporma sa lupa at isusulong ang independiyenteng patakarang panlabas. Para salubungin at hikayatin ang gayong mga deklarasyon, na hindi pa ginawa ng alinman sa mga naunang reaksyunaryong rehimen, pumayag ang NDFP na pumasok sa walang taning na tigil-putukan na tumagal nang halos anim na buwan.

Sa apat na beses na usapang pangkapayapaan, buong sigasig na iginiit at isinulong ng NDFP ang panawagan para sa mga repormang panlipunan at nanawagan para sa pinakamalawak na suporta ng lahat ng pwersang progresibo at positibo. Dinetalye ng NDFP ang programa nitong tumutugon sa mga isyuung sosyo-ekonomiko at pulitikal na nasa sentro ng digmang sibil. Ang borador ng NDFP sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) ay isang praktikal na plano para sa kinakailangan at maipatutupad na mga reporma. Ibayo nitong napalakas at napalawak ang ugnay nito sa iba’t ibang patriyotiko at demokratikong uri at sektor, maging sa mga elemento ng naghaharing uri.

Subalit tinalikuran ni Duterte ang sarili niyang mga deklarasyon at naglunsad ng papatinding brutal at malupit na gerang mapanupil sa ilalim ng Oplan Kapayapaan, na tumatarget sa mga di armadong magsasaka at minorya na nagtatanggol sa kanilang lupa. Ang paghuhulog ng bomba, pagsupil sa mga karapatan sa pagbiyahe at komersyo, pagboblokeyo sa pagkain at tulong, iligal na mga pag-aresto, tortyur at mga pagpatay ay karaniwan na sa ilalim ng batas militar sa Mindanao at ng di deklaradong batas militar sa buong bansa, laluna sa kanayunan.

Tumanggi si Duterte na tuparin ang pangakong ilalabas na proklamasyon ng pangkalahatang amnestiya para palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal. Nagmatigas siyang igiit sa NDFP na matagalang makipagtigil-putukan bago pa man mabuo ang kasunduan sa sustantibong mga usapin, taliwas sa napagkasunduang adyenda at pagkakasunud-sunod ng mga ito. Matapos bigong gamitin ang usapang pangkapayapaan para itali ang kamay ng mga rebolusyonaryong pwersa, idineklara ni Duterte ang pagtatapos ng negosasyong pangkapayapaan sa NDFP noong Nobyembre ng nakaraang taon at pagkatapos ay idineklarang terorista ang PKP at BHB at ipinag-utos ang pag-aresto sa mga konsultant pangkapayapaan ng NDFP.

Sa gitna ng lumalalang pagkahiwalay at malakas na paglaban sa kanyang tiraniya, nagpalipad hangin si Duterte na buhaying muli ang usapang pangkapayapaan, subalit wala pa itong ginawang makabuluhang hakbangin para muling buhayin ang pag-uusap.

Itatag ang pinakamalapad na anti-pasistang nagkakaisang prente laban sa rehimeng Duterte
Matindi ngayon ang pagdurusa ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng tiraniya at terorismo ng rehimeng US-Duterte. Bilang pinakamalakas na organisasyong nagkakaisang prente, importante ang papel ng NDFP sa pagbubuo ng pinakamalapad na pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para ihiwalay at labanan ang rehimeng US-Duterte. Sa pagsusulong ng rebolusyonaryong paglaban, kapwa sa kilusang lihim sa kalunsuran at armadong pakikibaka sa kanayunan, napalalakas ng NDFP ang determinasyon ng mamamayan na labanan at biguin ang kinamumuhiang rehimen.

Alinsunod sa mga prinsipyo sa pagtatag ng nagkakaisang prente, dapat ubos-kayang palakasin ang mga saligang rebolusyonaryong pwersa upang magsilbing solidong pundasyon, muog at balangkas sa pagbubuo ng pinakamalapad na nagkakaisang prenteng anti-pasista laban sa rehimeng Duterte. Tungo rito, dapat malawakang pakilusin ang mga manggagawa at magsasaka para ilantad at aktibong labanan ang mga pasistang atake ng rehimeng Duterte laban sa bayan. Ang mga solidong bigwas ng BHB sa pasistang makinarya ni Duterte ay makapupukaw ng malawakang paglaban sa tiraniya at terorismo ng rehimen.

Dapat magtulung-tulong ang lahat ng rebolusyonaryong pwersang kaalyado ng NDFP sa pagbubuo ng pinakamalapad na nagkakaisang prenteng anti-pasista laban sa rehimeng Duterte. Dapat magsikap silang iugnay ang paglaban sa pasistang terorismo ni Duterte sa mga anti-imperyalista at antipydaul na mga pakikibaka. Sa gayon, napalalakas ang NDFP bilang isang nagkakaisang prente para sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan.

Ang kapasyahan ng sambayanang Pilipino na isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon ay lalong napapanday sa gitna ng lumalalang krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema. Sa ilalim ng pamumuno ng Partido, kaakibat ng lakas ng BHB at malawak na abot ng NDFP, tinatanaw nila ang pagkamit ng ganap na tagumpay sa kanilang pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya.