Palawan 6, hindi makaratungang hinatulan na maysala

Hinatulan na maysala ng mga korte sa Puerto Princesa at Brooke’s Point ang anim na tagpagtanggol ng karapatang-tao sa kasong illegal possession of explosives and explosive devices at rebelyon sa nagdaang mga linggo. Ayon sa grupo ng karapatang-tao, hindi makatarungan ang parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo sa anim at tahasang paglapastangan ito sa hustisya.

Ang mga aktibista, na bahagi ng tinawag na Palawan 7, ay inaresto noong Oktubre 4, 2019 sa isang tsekpoynt sa Sityo Anilawan, Barangay Babuyan, Puerto Princesa City. Ang pitong inaresto ay sina Antonio Molina, organisador ng KASAMA-Timog Katagalugan, sina Bener Rimbunan at Awing Lumpat, mga katutubong Palaw’an, Glendhyl Malabanan, dating pangkalahatang kalihim ng Karapatan ST, Ronces Paraguso at Jenny Bautista, mga istap ng Karapatan-ST, at si Joemelito Tanilon, organisador ng Pamalakaya-Palawan. Si Molina ay namatay sa detensyon dahil sa atake sa puso noong Nobyembre 2021.

Nagpaplano ng apela ang Palawan 6 para sa kanilang kaso. Nanawagan rin ang mga grupo sa karapatang-tao na ibasura ang iba pang mga kaso na isinampa sa mga biktima at kaagad silang palayain.