Celebrate the 50 years of the CPP-MLM
Ka Patria Guerrero
COMPATRIOTS-HK
Revolutionary organization of overseas Filipinos
Member of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP)
Filipino»
Revolutionaries of the national democratic movement among overseas Filipinos in Hong Kong are one with the Filipino masses in the Philippines and around the world in celebrating the glorious 50 years of the Communist Party of the Philippines (CPP) Marxism-Leninism-Maoism.
We honor the martyrs of the Party and the Philippine revolution which include former overseas Filipino workers who have contributed greatly to the development of the revolutionary movement of Filipinos overseas.
We are deeply inspired by the dedication of the numerous members and cadres of the Party – in the countrysides and in the cities, in the Philippines and elsewhere – who tirelessly lead the Filipino masses in the struggle to defeat imperialism, feudalism and bureaucrat capitalism that have kept the country semi-colonial, semi-feudal and ripe for forced migration of millions.
Guided by the correct theory and imbued with revolutionary practice, the national democratic revolution with a socialist perspective is sure to advance under the leadership of the proletariat through its party, the CPP.
Overseas Filipinos are enthusiastic to take part in the people’s democratic revolution. We believe that only through people’s war can the forced migration of Filipinos, our forced separation from our family and people, and our forced enslavement in other lands, be addressed. The exploitative and oppressive labor export program can only be stopped through deep and thoroughgoing changes in the Philippine economic, political and social condition that include national industrialization, genuine agrarian reform and comprehensive public social services.
Throughout the history of the CPP, members and cadres of the Party have vigorously conducted its overseas revolutionary work of arousing, organizing and mobilizing Filipino compatriots; gathering the broadest international support for the Philippine revolution; contributing to the anti-imperialist united front of all oppressed peoples, and; relating with revolutionary parties in different countries.
We celebrate the strides made and victories gained in the overseas work of the Party and the whole revolutionary movement.
COMPATRIOTS – Hong Kong will continue to build its ranks among overseas Filipinos to realize the crucial role that Filipinos abroad play in the national democratic revolution. We shall pursue our revolutionary tasks to intensify the campaign for the ouster of the neglectful, criminal and fascist US-Duterte regime. We will vigorously enjoin our kababayans in Hong Kong to the national democratic revolution so that finally, we can be back in our own country that is truly free, democratic, prosperous, just and peaceful.
Long live the CPP-MLM!
Onwards with the national democratic revolution!
Ipag-bunyi ang ika-50 taon ng PKP-MLM
Mga Pilipino sa ibayong-dagat, magkaisa upang isulong ang rebolusyong Pilipino
Ka Patria Guerrero
COMPATRIOTS-HK
Rebolusyonaryong organisasyon ng mga Pilipino sa ibayong-dagat
Kasapi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)
Ang mga rebolusyonaryo ng pambansa demokratikong kilusan sa hanay ng mga Pilipino sa Hong Kong ay nakikiisa sa masang Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo sa pagdiriwang ng ika-50 maningning na taon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) Marxismo-Leninismo-Maoismo.
Nagbibigay-pugay kami sa mga martir ng Partido at ng rebolusyong Pilipino kabilang na ang mga dating manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat na nag-ambag ng malaki sa pagbubuo at pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusan ng mga Pilipino sa ibayong-dagat.
Isang inspirasyon para sa amin ang dedikasyon ng di-mabilang na kasapi at kadre ng Partido – sa kanayunan at kalunsuran, sa Pilipinas at iba pang lugar – na walang-kapagurang pinamumunuan ang masang Pilipino sa pakikibaka lupang gapiin ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo na nagpapanatili sa bansa na mala-kolonyal, mala-pyudal at hinog sa pwersadong migrasyon ng milyong mamamayan.
Sa gabay ng wastong teorya at lipos sa rebolusyonaryong praktika, ang pambansa demkoratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba ay tiyak na susulong sa pamumuno ng proletaryo sa pamamagitan ng kanyang partido, ang PKP.
Ang mga Pilipino sa ibayong-dagat ay masiglang nakikilahok sa demoraktikong rebolusyon ng bayan. Naninindigan kami na tanging sa digmang-bayan lamang maso-solusyunan ang pwersahang migrasyon ngn mga Pilipino, ang aming sapilitang pagkawalay sa pamilya at mamamayan, at ang pwersahang pagpapa-alipin sa ibang bayan. Ang mapagsamantala at mapang-aping labor export program ay mahihinto lamang sa lubos at puspos na pagbabagong pang-ekonomiya, pampulitika at pangsosyal sa Pilipinas kasama na ang pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo at komprehensibong pampublikong serbisyo sosyal.
Sa buong kasaysayan ng PKP, ang mga kasapi at kadre ng Partido sa ibayong-dagat ay masiglang nagsagawa ng rebolusyonaryong gawain ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng mga kababayan; paghamig sa pinakamalapad na suportang internasyunal para sa rebolusyong Pilipino; pag-aambag sa anti-imperyalistang nagkakaisang prente ng lahat ng aping mamamayan, at; pakikipag-ugnayan sa mga rebolusyonaryong partido sa iba’t ibang bansa.
Ipinagbubunyi namin ang mga pagsulong at mga tagumpay na nakamit sa gawain sa ibayong-dagat ng Partido at ng buong rebolusyonaryong kilusan.
Magpapatuloy ang COMPATRIOTS – Hong Kong sa pagpapalakas sa hanay ng mga Pilipino sa ibayong-dagat upang magampanan ang mahalagang papel ng sektor sa pambansa demokratikong rebolusyon. Ipatutupad namin ang aming rebolusyonaryong tungkulin sa kampanya para sa pagpapatalsik sa pabaya, kriminal at pasistang rehimeng US-Duterte. Buong-sigla naming palalahukin ang mga kababayan sa Hong Kong sa pambansa demokratikong rebolusyon upang sa wakas ay makabalik na kami sa isang bansa na tunay na malaya, demokratiko, maunlad, makatarungan at payapa.
Mabuhay ang PKP-MLM!
Isulong ang pambansa demokratikong rebolusyon!