PRWC » Mga protesta

 

Pagkilos sa ika-3 taon ni Marcos. Nagmartsa noong Hunyo 30 patungong Mendiola sa Maynila ang mga pambansa-demokratikong organisasyon para batikusin at singilin ang rehimeng Marcos sa okasyon ng ikatlong taon nito sa poder. Binatikos nila ang pagpapakatuta ng rehimen sa imperyalismong US, pahirap na mga patakaran, pasistang panunupil at inutil na mga patakaran. Katulad na protesta ang inilunsad sa Baguio City at Iloilo City.

Piket kontra tanggalan sa SkyCable. Nagpiket ang SkyCable Supervisors, Professionals/Technical Employees Union (SSPTEU) noong Hunyo 24 sa tapat ng kumpanya sa Quezon City para tutulan ang tanggalan sa SkyCable Corporation. Hindi bababa sa 133 myembro ng unyon ang posibleng sisantehin, liban pa sa mga manggagawang hindi kasapi ng unyon.

Pagtutol sa demolisyon sa mga floating house sa Cavite. Nagprotesta ang mga mangingisdang kasapi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa baybay ng Bacoor City noong Huyo 24 para tutulan ang bantang demolisyon sa kanilang mga bahay na nakatayo sa dagat. Tinatayang higit 100 pamilya ang mapalalayas sa demolisyon. Ang demolisyon ay kaugnay ng planong 420-ektaryang reklamasyon na proyekto ng Frabelle Fishing Corporation at ng lokal na gubyerno.

Source link