Sinalubong ng protesta si Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga alipores paglapag nila sa New York City, US noong Marso 8. Lumipad si Marcos tungong upang magbigay ng talumpati sa ika-70 sesyon ng United Nations Commission on the Status of Women. Kasama sa itinutulak niya ang mabigyan ang Pilipinas ng “non-permanent seat” sa UN Security Council sa 2027.
sulate General. Dito, tinalakay nila ang mga isyu na kinakaharap ng komunidad ng Filipino-American sa US at ang kriminal na kapabayaan ng gubyerno ng Pilipinas at US sa mga biktima ng iligal na detensyon at deportasyon. Tinalakay din nila ang malawakang korapsyon sa gubyerno at krimen ni Ferdinand Marcos Jr. Pagkatapos ng programa, nagmartsa sila tungong The Pierre Hotel, kung saan tumutuloy si Marcos at kanyang alipores, para sa pangalawang bahagi ng programa. Naglunsad din ng kasabay na protesta sa Cal Anderson Park sa Seattle, Washington; sa Tollefson Plaza sa Tacoma, Washington at sa Lake Marritt sa Portland.
Ayon sa Malaya Movement USA, gumagastos ang administrasyong Marcos ng libu-libong dolyar na pera ng taumbayan para tumuloy sa mga mamahaling hotel (nasa $17,000 o ₱986,000 kada araw, kada kwarto ang bayad). Ito ay habang mahigit 2.4 milyong Pilipino na nagtatrabaho sa Middle East ay nasa panganib dahil sa walang habas na pambobomba ng US. Walang nakukuhang suporta ang mga Pilipinong ito mula sa gubyerno ng Pilipinas. Kasabay nito, nahaharap ang Pilipinas sa krisis dahil sa kakulangan ng suplay sa langis at enerhiya at implasyon dulot ng gera, na lalong nagpapabagsak sa halaga ng sahod ng mga manggagawa.
Kinabukasan, Marso 9 ng umaga, kinumpronta ng mga grupo si Marcos Jr at mga myembro ng kanyang kabinete na sina Theresa Lazaro, kalihim ng Department of Foreign Affairs at si Ambassador Jose Manual Romualdez sa labas ng The Pierre Hotel. Matagumpay na naantala ng mga grupo ang pagdalo ni Marcos sa United Nations. Sa parehong araw, naglunsad ng “theater action” sa Time Square, New York City at ng rali sa 701 SW 6th Avenue sa Portland.
“Walang karapatan si Marcos na magsalita hinggil sa mga suliranin ng kababaihan dahil ang kanyang mismong bulok na rehimen ay ang nag-trafick at nagbabenta sa mga manggagawang kababaihan…na napilitang iwan ang kanilang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa at sa peligrosong mga kundisyon,” paliwanag ng Bayan USA.
Noong Marso 10, muling naglunsad ng protesta ang mga grupo sa labas ng United Nations; sa Consulate Town Hall sa Seattle, Washington; Philippine Consulate sa San Francisco at sa Philippine Consulate sa Los Angeles.











