Marcos dictatorship yesterday, rising Duterte dictatorship today

[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/09/images.duckduckgo.com_-300×169.jpeg’ attachment=’7372′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′]
[av_heading heading=’Marcos dictatorship yesterday, rising Duterte dictatorship today’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’ av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Editorial | Ang Bayan | September 21, 2017
[/av_heading]
[/av_section]

[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’EDITORIAL’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ang Bayan
September 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]

[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[Filipino»]

[av_dropcap1]W[/av_dropcap1]hat better day to unite the Filipino people against threats of a fascist dictatorship by Rodrigo Duterte than today when 45 years ago Marcos imposed martial law and founded his dictatorship?

Today, tens of thousands are set to converge in the streets of the national capital and other parts of the country to manifest the Filipino people’s growing unity against political persecution, armed suppression and fascist crimes under the ruling Duterte regime.

On this occasion, the Filipino people are united in demanding justice for all the fascist crimes, corruption and puppetry under the 14-year martial law of the US-Marcos dictatorship. They want Marcos and all his cohorts and cronies to pay for the crimes they have yet to account for. They are determined to stop the Marcoses from returning to Malacañang.

After 45 years, the Filipino people have not forgotten the bloody record, corruption and rottenness of Marcos’ martial law. This collective memory has been passed on to the Filipino youth who are now one in declaring “Never Again!”. They are determined to fight the Duterte regime’s threats to impose nationwide martial law and the six-month Mindanao martial law.

Today’s rally shows the determination of the Filipino people to oppose Duterte’s plan to replicate his idol Marcos, install himself as a fascist dictator and use absolute power to control the entire state machinery and resources for himself and his clique.

The victims of Duterte’s triple fascist war are set to join the rallies. In just a year, hundreds of thousands have been directly victimized by the Oplan Tokhang “war against drugs”, the all-out war under Oplan Kapayapaan and the AFP siege of Marawi and the war to suppress the armed Moro uprising.

Duterte’s victims are now the most determined to hinder the vile fascist plot to put the entire country under martial law and intensify the campaigns of death and destruction. They are set to be joined by broad sections of Philippine society, by various political parties and groups, churches, communities and so on.

Serving as backbone of the wide range of forces rising up against fascism, corruption and puppetry of the Duterte regime are the national democratic forces. The broad masses of workers, peasants, youth and students, urban poor and other oppressed sectors are all determined to resist Duterte’s tyranny and hold him accountable for all the crimes, blood debt and oppression against the people.

Duterte trembles in fear at the prospect of street demonstrations snowballing into a broad movement demanding his ouster from power. The anticipated large demonstrations today will surely inspire more demonstrations in the coming weeks and months. Duterte’s hundreds of thousands of victims demand their grievances be heard. Assemblies must be mounted from barangay halls to coliseums to indict Duterte and express their collective anger.

Duterte threatens to use armed force to suppress the demonstrations and impede the growth of a movement demanding an end to his fascist rule. He concocts scenarios of “turmoil in the streets” to dissuade people from joining rallies. He manufactures fake stories of the “NPA joining rallies” to justify a nationwide martial law declaration.

Duterte is in a frenzy to monopolize political power and silence all those opposing his programs and policies. Through bribery and threats, he now has complete control of the AFP, PNP and the lower house of congress. He wants the Supreme Court, the Comelec and all barangays to bow to his will. He threatens anyone who refuses to march to his beat.

Duterte is pushing to establish a fascist dictatorship in the face of his political isolation, desperation to accelerate all-out liberalization of the economy and implement infrastructure projects worth hundreds of billions of pesos which his company of bureaucrat capitalists and bourgeois compradors are drooling over. He is rushing the approval of his 2018 war chest and corruption budget as well as new tax packages promised to foreign creditor banks.

Duterte has, in fact, less than five years to satiate the military officials, the bureaucrat capitalists and bourgeois compradors. Unless, of course, he succeeds in his plan to extend his term by at least eight more years by amending the constitution in the guise of “federalism.”

In relentlessly pursuing his triple war, fascist repression, corruption and anti-people and pro-imperialist programs and policies, Duterte is inciting the people to strengthen and broaden their resistance with maximum energy.


Diktadurang Marcos noon, bantang diktadurang Duterte ngayon

Ano pa nga bang araw ang pinakaangkop para buklurin ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino laban sa mga bantang pasistang diktadura ni Rodrigo Duterte higit sa ngayong araw na 45 taong nakaraan na ipinataw ni Marcos ng batas militar at itinatag ang kanyang diktadura?

Ngayong araw, magtitipon-tipon ang puu-puong libong mamamayan sa mga lansangan sa punong lunsod at iba pang bahagi sa buong bansa upang ipamalas ang lumalawak na pagkakaisa ng sambayanang Pilipino laban sa pang-aaping pampulitika, armadong panunupil at pasistang mga krimen ng naghaharing rehimeng Duterte.

Sa okasyong ito, nagkakaisa ang sambayanang Pilipino sa pagsingil sa lahat ng pasistang krimen, korapsyon at pagpapakatuta sa ilalim ng 14-taon ng batas militar ng diktadurang US-Marcos. Nais nilang pagbayarin si Marcos at ang kanyang mga kasapakat at alipures sa mga krimen na hindi pa nila napagbabayaran. Determinado silang hadlangan ang mga Marcos sa lahat ng plano nilang manumbalik sa Malacañang.

Matapos ang 45 na taon, hindi nakalilimot ang sambayanang Pilipino sa duguang rekord, korapsyon at kabuktutan ng batas militar ni Marcos. Ang kolektibong pag-alaala ay naisalin na sa mga kabataang Pilipino na kaisa ngayon sa sigaw na “Never Again!” (o “Kailanman, di na dapat maulit!”). Determinado silang labanan ang mga banta ng rehimeng Duterte na ipataw ang batas militar sa buong bansa, at ang anim na buwan nang batas militar sa buong Mindanao.

Ang rali ngayong araw ay pagpapamalas ng determinasyon ng sambayanang Pilipino na labanan ang mga plano ni Duterte na tularan ang kanyang iniidolong si Marcos na iluklok ang sarili bilang isang pasistang diktador at gamitin ang absolutong kapangyarihan para kontrolin ang buong makinarya at rekurso ng estado para sa sarili at kanyang mga alipures.

Inaasahang lalahok sa rali ang mga biktima ng tatlong pasistang gerang inilunsad ni Duterte. Sa loob lamang ng isang taon, daan-daan libong mamamayan na ang tuwirang naging biktima ng gera kontra-drogang Oplan Tokhang, todong-gerang Oplan Kapayapaan at gera sa Marawi at pagsupil sa armadong pag-aalsang Moro.

Ang mga biktima ni Duterte ang ngayo’y pinakadeterminadong kumilos para hadlangan ang imbing pasistang pakana na ipailalim sa batas militar ang buong bansa at paigtingin pa ang kampanya ng pagpatay at pagwasak. Nakatakdang makasama nila ang malawak na seksyon ng lipunang Pilipino kabilang ang iba’t ibang partido at grupong pampulitika, mga simbahan, komunidad at iba pa.

Nasa gulugod ng malawak na hanay ng mga pwersang tumitindig laban sa pasismo, korapsyon at pagpapakatuta ng rehimeng Duterte ang mga pwersang pambansa-demokratiko. Ang masang manggagawa, magsasaka, kabataan-estudyante, maralita sa kalunsuran at iba pang aping sektor ay pawang determinadong hadlangan ang tiranong Duterte at papanagutin siya sa lahat ng krimen, utang na dugo at pagpapahirap niya sa sambayanan.

Nangangatog ang tuhod ni Duterte na bumwelo ang mga demonstrasyon sa lansangan at magluwal ng malawak na kilusan ng mamamayan na sumisigaw ng pagpapatalsik sa kanya sa poder. Ang inaasahang malaking rali ngayong araw ay tiyak na susundan pa ng mas marami pang demonstrasyon sa mga darating na linggo at buwan. Ang daan-daan libong biktima ni Duterte ay naghahanap ng daluyan ng kanilang mga hinaing. Dapat lamang na ilunsad ang mga pagtitipon mula sa mga barangay hanggang sa mga koliseyum upang maisakdal nila si Duterte at maipadinig sa madla ang kanilang hinaing at kolektibong galit.

Nagbabanta si Duterte na gamitin ang kamay-na-bakal para supilin ang mga demonstrasyon at pigilan ang pagbwelo ng isang kilusan kontra sa kanyang pasistang paghahari. Lumilikha siya ng senaryo ng “gulo sa lansangan” para takutin ang mga nais lumahok sa mga rali. Naglulubid siya ng buhangin tungkol sa “pagsama ng NPA sa mga rali” upang bigyang-matwid ang pagdedeklara ng batas militar sa buong bansa.

Nagkukumahog si Duterte na ganap na imonopolyo ang kapangyarihang pampulitika at patahimikin ang lahat ng tumututol sa kanyang mga programa at patakaran. Lubos na niyang kontrolado ang AFP, PNP at ang mababang kapulungan ng kongreso gamit ang panunuhol at pagbabanta. Nais niyang pasunurin sa kanyang pasya maging ang Korte Suprema, ang Comelec at lahat ng barangay. Pinagbabantaan niya ang sinumang hindi sumusunod sa kanyang kumpas.

Itinutulak ni Duterte ang pagtatatag ng isang pasistang diktadura sa harap ng lumalalang pampulitikang pagkahiwalay, desperasyong madaliin ang todong-liberalisasyon ng ekonomya at ipatupad ang daan-daang bilyong pisong mga proyektong pang-imprastrukturang pinaglalawayan ng mga kasapakat niyang burukratang kapitalista at burges kumprador. Minamadali niya ang pagsasabatas ng kanyang 2018 na badyet panggera at korapsyon at bagong mga pasaning buwis na pangako niya sa mga uutangan niyang dayuhang bangko.

Kung tutuusin, may limang taon na lamang si Duterte para busugin ang mga upisyal militar, ang mga burukratang kapitalista at mga burgesyang komprador. Liban na lamang kung magtagumpay siya sa pakanang palawigin nang di bababa sa walo pang taon ang kanyang panunungkulan sa pamamagitan ng pagbabago sa konstitusyon sa tabing ng “pederalismo.”

Sa pagmamatigas ni Duterte na isagasa ang kanyang tripleng gera, pasistang paniniil, korapsyon at mga programa at patakarang anti-mamamayan at maka-imperyalista, lalo lamang niyang inuupatan ang mamamayan na mabilis na palakasin at palawakin ang kanilang paglaban.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]

[av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Filipino
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/09/20170921pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]

[/av_one_fifth]