Para piliting sumuko at makipagtulungan sa 94th IB, ginipit ng mga ahenteng traydor na “surrenderee” ang mag-asawang magsasaka na sina Jolibert at Rica Basilio noong Hulyo 9. Pinuntahan sila ng mga ahente sa Sityo Cabagal, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental para pagbantaan.
Sinabihan ng mga ahente na papatayin ang mag-asawa kung hindi susuko at makikipagtulungan sa 94th IB. Ninakaw rin ng mga ito ang mga selpon ng mag-asawang Basilio.
Nagdulot ang insidente ng takot hindi lamang sa mag-asawa kundi sa buong komunidad na kanilang kinabibilangan.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos, naitala sa Barangay Buenavista ang 66 kaso ng paglabag sa karapatang-tao kung saan hindi bababa sa 1,800 katao ang biktima ng berdugong 94th IB at kanilang mga ahente.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Lt. Col. Ziegfred Tayaban ang 94th IB.