Konseho ng Baguio City, nanawagan ng pag-amyenda sa Anti-Terrorism Law

Inaprubahan ng konseho ng Baguio City ang isang resolusyon noong Hunyo 23 na nag-eendorso sa mga ulat ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan at nagtutulak sa kongreso na amyendahan ang mga probisyon sa Anti-Terrorisn Act (ATA) na naabuso.

Ayon kay konsehal Jose Molintas, may akda ng resolusyon, may mga partikular na probisyon na maituturing na seryosong banta sa malayang pamamahayag at mapayapang protesta na dapat amyendahan. Kabilang sa mga ito ang Section 25 kung na nagbibigay ng kapangyarihan sa Anti-Terrorism Council (ATC) na italaga ang isang tao o indibidwal bilang terorista batay lamang sa ‘probable cause’ o posibilidad. Kapag naitalaga na, may kapangyarihan na itong i-freeze ang mga bangko ng mga indibidwal o grupo nang hindi kinakailangan ng utos ng korte. Isa pa ang Section 9 na nagpapahintulot sa suspetsado na terorista na idetine ng 24 na araw kahit walang kaso. Labag ito sa konstitusyon na nagpoprotekta sa mga mamamayan mula sa arbitraryong pagdetine at lumalabag sa writ of habeas corpus.

Nanawagan din ang konseho sa Department of Justice (DOJ) na aralin lahat ng kaso na isinampa sa ilalim ng ATA, laluna ang imbwelto ang mga aktibista at tmga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at ibasura ang mga kaso kung kailangan.

Matatandaang dumalaw si Khan sa bansa noong 2024 upang aralin ang kalagayan ng malayang pamamahayag sa Pilipinas. nakipagdayalogo sya sa mga upisyal ng gubyerno, mamamahayag, at mga progresibong organisasyon sa iba’t ibang syudad kabilang ang Baguio City.

Sa ulat ni Khan noong Hunyo 18 sa 59th UN Human Rights Council Session, tinalakay nya ang gapaggamit ng red-tagging at ligal na intimidasyon ng estado at nagrekomenda ng mga pagbabago kabilang ang pag buwag sa National Task Force-Elcac at pag-aaral sa ATA.

Source link