Naglunsad ng noise barrage at protesta ang mga myembro ng Gabriela Women’s Party (GWP)-Marikina sa Tumana Public Market noong Hulyo 4 upang kundenahin ang pagliligalig ng 12th Civil Military Operations Battalion sa kanilang komunidad sa Agora Compound sa Barangay Sto. Nino, Marikina City.
Kasalukuyang naglulunsad ng malawakang profiling, surbeylans, at pangrered-tag sa mga lider ng komunidad ang mga sundalo sa tabing ng Commmunity Support Program. Ginawa nilang baraks ang lumang gusali ng barangay hall ng Barangay Sto. Nino, sa kabila naglulunsad labag nito sa internasyunal na makataong batas.
Panawagan ng mga grupo na umalis at itigil na ng 12th CMO ang operasyon nito sa Marikina at buong Metro Manila.










