ITANONG MO KAY PROF: COVID-19 at si Duterte

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng BAYAN National hinggil sa COVID-19 at paano hinaharap ito ng pamahalaang Duterte.

SARAH: 

Opening: Kamusta sa ating mga tagapakinig! Sana ay nananatili tayong ligtas at nasa maayos na disposisyon sa gitna ng krisis pangkalusugan na dala ng   bagong Corona Virus Disease na lumitaw noong 2019 o COVID-19. Sa mga nakaraang araw, nasaksihan at naranasan natin ang pagkadeklara ng COVID-19 bilang isang global pandemic, ibig sabihin ay kumakalat ito sa maraming bansa sa buong mundo. Isa sa mga dumagdag sa ating ligalig ay walang iba kundi ang naging tugon ng gobyernong Duterte rito.

Marami ang hindi naaabot ng ayuda ng gobyerno, o halos walang ayuda, matumal at hindi malinaw ang impormasyon hinggil sa COVID-19.  Minarapat natin dito sa Itanong Mo Kay Prof na makasama kayong muli lalong-lalo na ang ating mga mahal na tagapakinig sa kanayunan at maralitang lungsod, na nananatiling kumakayod sa harap ng COVID-19.

Hindi nga ba, kung hindi lumalabas at magtatrabaho, walang gobyernong Duterte ang susuporta sa gitna ng kinakaharap nating sakuna? 

Pag-uusapan at uunawain din natin ang nangyayari sa atin at sa buong mundo kasama na ang ilang mga hakbang na kaya nating pagtulungan. Kagaya ng lagi, kasama natin ang Chairperson Emeritus ng International League of Peoples’ Struggle at Chief Peace Consultant ng National Democratic Front of the Philippines si Professor Jose Maria Sison dito sa Itanong Mo Kay Prof. 

Kamusta sa inyo, Prof. Joma?!

JMS: Maalab na makabayang pagbati sa inyo Prop. Sarah Raymundo at sa lahat ng ating kababayan. 

Mga Tanong:

SR1: Prof Sison, ipaliwanag muna natin sa ating mga tagapakinig kung ano nga ba itong tinatawag na coronavirus o Covid-19.

JMS:  Ang Covid-19 ay isang tipo ng sakit sa anyo ng virus na lumitaw  sa Wuhan, China noong Disyembre 2019 at nailathala ito bilang epidemya sa Wuhan noong Enero 2020. Ang mga mayor na sintomas nito ay lagnat,  ubong tuyo, hiráp sa paghinga at bulós. Nauuwi ito sa pneumonia na puedeng humantong sa kamatayan para sa 2 hanggang 5 por syento sa mga nagkakasakit ng Covid-19 sa ibat ibang bansa. 

Mabilis makahawa ang virus na ito sa mga tao sa pamamagitan ng paghawak sa iba at paghawak sa hinawakan ng maysakit o may dala ng virus.  Pinakabulnerable ang matatanda at  dati nang  may sakit sa baga.  Madaling kumalat bilang epidemya sa isang bansa tulad sa Tsina kung saan nagsimula.

At dahil sa mga byaherong may dala ng sakit, kumalat na ang virus sa higit ng 160 countries at naging pandemya o epidemya sa maraming bansa. Ayon sa Worldometer noong Marso 18, 198, 739 na ang nagkasakit sa Covid-19, 107,971 ang recovered at 7,989 ang patay.   Kabilang sa mga bansang may pandemya ng Covid-19 ay Tsina, Italy, Iran, South Korea, España, Estados Unidos  at iba pa.

Unang nahalata ang virus sa Pilipinas noon pang Enero nang namatay sa virus na ito ang matandang lalake sa mag-asawang  turistang Tsino.  Nahawa pa ang ilang Pilipinong doktor na nag-asikaso sa kanila. Ayon sa Department of Health (DOH) noong Marso 18, 193 na ang  nagkasakit sa Covid-19, 14 ang namatay at 4 ang recovered sa kanila. Hindi tumpak ang mga bilang na ito dahil sa kumalat na ang sakit sa buong Pilipinas sa nakaraang dalawang buwan at kung kailan lamang nag-umpisa ang bilangan sa mangilan-ngilang lugar.

Bisitahin ang www.kodao.org para sa pagpapatuloy ng teksto.
#COVID19PH