Declaration of ceasefire, 16 December 2010 – 03 January 2011

By the CPP Central Committee

We hereby declare to all commands and units of the New People's Army (NPA) and the people's militia a ceasefire order to be effective upon the reciprocal and concurrent ceasefire order from the Government of the Republic of the Philippines (GRP) to its military, police and paramilitary forces, within the period of 0001H of 16 December 2010 to 23:59H of 03 January 2011.

In conformity with the mutual ceasefire between the GRP and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), all the commands and units of the NPA shall cease and desist from carrying out offensive operations against the armed units and personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police and paramilitary forces of the GRP.

While the mutual ceasefire is in effect, all commands and units of the NPA and the people's militia shall be in a defensive mode at both the strategic and tactical levels but shall remain vigilant against any encroachment on the territory of the people's democratic government, surveillance or offensive operations by the armed commands and units of the GRP. Active self-defense shall be undertaken only in the face of clear and imminent danger.

All hostile actions or movements of the enemy armed forces shall be monitored and reported upwards in accordance with the command structure of the New People's Army and the leadership structure of the Communist Party of the Philippines and the National Democratic Front of the Philippines in order to provide continuous, timely and accurate information to the NDFP Negotiating Panel regarding compliance with or violations of the mutual ceasefire.

Officers and members of the AFP and PNP who have no serious liability other than their membership in their armed units shall not be subjected to arrest and punitive actions. They may be allowed individually to enter the territory of the people's democratic government to make personal visits to relatives and friends.

This entire ceasefire order is issued on humanitarian grounds and as an act of good will in order to allow the commands, units and personnel of the contending armies of the GRP and the NDFP to observe the traditional holidays and enjoy the spirit of the yuletide season and the New Year.

We hope that our act of good will and the mutual ceasefire between the GRP and the NDFP will improve the atmosphere for peace negotiations and inspire the release of political prisoners, the full implementation of the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, the end of human rights violations in consonance with the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, the holding of preliminary talks between representatives of the GRP and NDFP Negotiating Panels in Oslo in January 2011 and the resumption of formal talks between the aforesaid Panels in Oslo in February 2011.

Central Committee and Military Commission
Communist Party of the Philippines

National Executive Committee
National Democratic Front of the Philippines

 


Deklarasyon ng tigil-putukan

Central Committee
Communist Party of the Philippines
Disyembre 7, 2010

Idinedeklara namin sa lahat ng kumand at yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at milisyang bayan ang kautusan para sa tigil-putukan na magsisimula oras na maglabas ng sabay at katugong kautusan para sa tigil-putukan ang Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa mga pwersang militar, pulisya at paramilitar nito, sa 00:01H ng 16 Disyembre 2010 hanggang 23:59 ng 03 Enero 2011.

Alinsunod sa tigil-putukan kapwa ng GRP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), lahat ng kumand at yunit ng BHB ay titigil sa paglulunsad ng mga opensibong operasyon laban sa mga armadong yunit at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mga pwersang paramilitar ng GRP.

Habang umiiral ang tigil-putukan, lahat ng kumand at yunit ng BHB at ang milisyang bayan ay magmamantini ng modang depensibo kapwa sa estratehiko at taktikal na antas ngunit mananatiling alerto laban sa anumang panghihimasok sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan, paniniktik o opensibong operasyon ng mga armadong kumand at yunit ng GRP. Gagawin lamang ang aktibong pagdepensa sa sarili sa harap ng malinaw at napipintong panganib.

Ang lahat ng mapandigmang aksyon o kilos ng kaaway na armadong pwersa ay susubaybayan at iuulat pataas alinsunod sa istruktura ng kumand ng Bagong Hukbong Bayan at pamunuan ng Partido Komunista ng Pilpinas at National Democratic Front of the Philippines upang mabigyan ng tuluy-tuloy, napapanahon at wastong impormasyon ang NDFP Negotiating Panel hinggil sa mga pagtalima o paglabag sa tigil-putukan.

Ang mga upisyal at myembro ng AFP at PNP na walang seryosong pananagutan maliban lamang sa kanilang pagiging myembro ng kani-kanyang armadong yunit ay hindi aarestuhin o parurusahan. Bilang mga indibidwal, maaari silang pahintulutang pumasok sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan para personal na bumisita sa mga kamag-anak at kaibigan

Ang buong kautusan sa tigil-putukang ito ay inilalabas sa batayang makatao at bilang pagmamagandang-loob upang mapahintulutan ang mga kumand, yunit at tauhan ng naglalabanang mga hukbo ng GRP at NDFP na ipagdiwang ang tradisyunal na mga pyesta upisyal at magsaya sa diwa ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Umaasa kami na ang pagmamagandang-loob at tigil-putukan sa pagitan ng GRP at NDFP ay makalilikha ng mas mainam na kundisyon para sa negosasyong pangkapayapaan at magbubunsod ng pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, sa lubos na pagtupad sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, sa pagtatapos sa mga paglabag sa karapatang-tao bilang pagtalima sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, sa paglulunsad ng panimulang mga pag-uusap ng mga kinatawan ng GRP at NDFP Negotiating Panel sa Oslo sa Enero 2011 at muling pagbubukas ng pormal na pag-uusap ng mga panel sa Oslo sa Pebrero 2011.

Komite Sentral at Komisyong Militar
Partido Komunista ng Pilipinas

National Executive Committee
National Democratic Front of the Philippines