Buong lakas biguin ang bantang pagpapahaba ng batas militar

[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ custom_arrow_bg=” id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/11/EDITORIAL_20171121-300×252.jpg’ attachment=’7731′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′]

[av_heading heading=’Buong lakas biguin ang bantang pagpapahaba ng batas militar’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’ av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Editoryal | Ang Bayan | Nobyembre 21, 2017
[/av_heading]

[/av_section][av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’EDITORYAL’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ang Bayan
Nobyembre 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]

[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[av_dropcap1]M[/av_dropcap1]asyadong halata na ang pakanang ekstensyon ng batas militar ang nasa likod ng banta ni Duterte kamakailan lamang na ituturing na umano niyang terorista at simpleng kriminal ang BHB, at magka-crackdown siya sa hayag na progresibong kilusan. Nauubos na nga naman ang mga hinahabing dahilan para sa batas militar sa Mindanao, lalupa’t matagal nang naglaho ang tinaguriang banta ng Maute/ISIS, at wala namang kumakagat sa kwento na kumalat na ang ISIS sa buong Mindanao.

Bistado na si Duterte sa kanyang pasistang mga buladas at kilos, kahit ang paggamit sa gasgas na dahilang sabwatan ng progresibong mga pwersa sa BHB, upang patuloy na yumukod sa kagustuhan ng matataas na upisyal ng armadong pwersang kontrolado ng US. Nagsasawa na ang mamamayan na palagi niyang ginagawang atrasan ang iba’t ibang anyo ng pagmumura at pagbabanta. Ngayon, ipinangalandakan pa niya ang kanyang among US, sa paglalagay ng BHB at PKP bilang mga terorista same as America” (tulad ng turing ng America.) Lumakas ang loob niya sa katatapos pa lamang na pag-apruba ni Trump sa kanyang militaristang paghahari, kaya determinado siya sa pag-alis ng lahat ng oposisyon, ligal at hindi. Kilala ng mamamayan ang tunay na mukha ng mga pagbabantang ito laban sa rebolusyonaryo at progresibong mga pwersa: ang pagtanggal sa pinakamalakas at matatag na sumasalungat sa pasistang paghahari, pagpapatahimik sa mga tumututol sa kanyang kontra-mamamayan at maka-imperyalistang mga patakaran at lalong patagalin ang pag-upo sa kapangyarihan sa pamamagitan ng solong paghahari.

Kung tutuusin, ni hindi na niya kailangang magbanta. Sa mando niya mismo, matagal nang nagsasagawa ng todong-gera ang AFP mula pa noong Pebrero hindi lamang laban sa rebolusyonaryong kilusan kundi laluna sa mga sibilyang komunidad na pinaghihinalaang sumusuporta sa BHB. Sinundan pa niya ito ng utos sa AFP na patagin ang bundok sa pinaghihinalaang mga baseng lugar ng BHB, at matapos nito’y tuluyang pinatag ang Marawi City sa kanyang deklarasyong batas militar sa Mindanao. Paulit-ulit na niyang inianunsyo na itututok niya ang lakas militar ng AFP laban sa BHB oras na matapos niya ang Marawi. Mula nang maupo sa kapangyarihan, dinagdagan niya ang arsenal ng AFP ng mas maraming baril, bomba at eroplanong pandigma.

Ang kanyang mga gera ng kamatayan at pangwawasak ay nag-udyok ng pambobomba mula sa himpapawid, panganganyon, istraping, pulitikal at ekstrahudisyal na pamamaslang, iligal na pang-aaresto at pagkulong, na nagresulta sa libu-libong mamamayang nadisloka, bilyun-bilyong halaga ng nasirang ari-arian, at maramihang paglabag sa karapatang tao. Pinukaw nito ang paparaming bilang ng mamamayan na lumahok sa mga protesta at itinulak ang maraming aktibista na sumali sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Matagal na at papalala rin ang dati nang pagturing ng reaksyunaryong estado na kriminal ang pulitikal na pagtutol kayat sinasampahan ng gawa-gawang mga kasong kriminal ang mga rebolusyonaryo at progresibo at kinukulong sila ng matagalan. Dumarami ang iligal na pag-aaresto ng mga sibilyan at aktibista, laluna sa pagkakatatag ng IACLA ni Duterte. Halos 500 bilanggong pulitikal ang patuloy na nagdurusa sa mga kulungan sa iba’t ibang bahagi ng bayan sa kabila ng mga pangako ng amnestiya.

Mali ang akala ni Duterte na basta na lamang susuko ang rebolusyonaryong kilusan sa harap ng kanyang mga ngasngas. Maling akala ring matatakot ang hayag na progresibong kilusan sa kanyang banta ng crackdown at maramihang pang-aaresto. Tututulan ito ng mamamayan tulad ng malakas na pagtutol nila sa dating planong pagpapataw ng batas militar sa buong bayan.

Sa harap ng banta ng batas militar o anumang anyo ng lantarang pasistang paghahari, dapat patuloy na magpalakas ng sarili ang demokratikong kilusang masa sa pamamagitan ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagsasagawa ng militanteng mga mobilisasyon. Dapat ding palakasin ang lihim na pagkilos at ang iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyon sa kilusang lihim upang magsilbing bag-as ng kilusang masa sa kalunsuran. Nakahandang maging kanlungan ang mga sonang gerilya para sa mga aktibistang target ng pulitikal na pamamaslang.

Kasabay nito, ang mga rebolusyonaryong pwersa ay dapat magpatuloy sa pagpapalawak at pagbawi ng mga sonang gerilya, pagtatayo ng mga organisasyong masa, komite at mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa mga rebolusyonaryong base, magpaunlad ng rebolusyong agraryo, at iba pang mga kilos masa para sa benepisyo ng mamamayan. Turuan ang rebolusyonaryong masa ng organisadong pagharap sa mga pambobomba at malawakang militarisasyon sa kanayunan.

Dapat harapin ng Bagong Hukbong Bayan ang tumitinding mga atake ng pasistang pwersa sa pamamagitan ng patuloy na pagpaparami ng rekrutment at treyning, at paglulunsad ng paparami at papalaking mga taktikal na opensiba.

Hindi manghihinawa ang mamamayan sa pagtutol at pagbaka sa lahat ng pakana ng rehimeng US-Duterte na isailalim ang buong bansa sa lantarang diktadurang paghahari.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]

[av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/11/20171121pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[/av_one_fifth]