Bibiguin ng sambayanan ang bantang diktadura ni Duterte

[av_section min_height=’100′ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/10/US-duterte-peoples-army_20171021-300×269.jpg’ attachment=’7589′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′]
[av_heading heading=’Bibiguin ng sambayanan ang bantang diktadura ni Duterte’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’ av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Editoryal | Ang Bayan | Oktubre 21, 2017
[/av_heading]
[/av_section]

[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’EDITORYAL’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
Ang Bayan
Oktubre 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]

[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[av_dropcap1]P[/av_dropcap1]aulit-ulit ang banta ng nagtitigas-tigasang pasistang si Rodrigo Duterte na magtatatag siya ng diktadura. Kamakailan, idineklara niyang magtatayo siya ng “isang rebolusyonaryong gubyerno sa nalalabing panahon sa poder” upang supilin ang lahat ng lumalaban at angkinin ang kapangyarihang alisin ang sinuman sa gubyerno at iupo ang yaon lamang susunod sa kanyang dikta. Pinaglalawayan ni Duterte ang absolutong kapangyarihang hindi nahahangganan ng konstitusyon ng GRP o ng anumang batas.

Ipinakikita ng pagmamayabang at pagbabanta ni Duterte ang lumalalim na desperasyon niyang kumapit sa poder. Lumilikha siya ng malakas na ingay tungkol sa “destabilisasyon” at “rebelyon” upang lunurin ang lumalakas na panawagan para siya patalsikin at papanagutin sa lahat ng krimen sa ilalim ng tripleng gera ng kanyang rehimen. Tulad noon ni Marcos, pinalalabas niyang nakikipagsabwatan sa armadong rebolusyonaryong kilusan ang iba’t ibang mga pwersang demokratiko at progresibo at ang mga karibal niya sa pulitika upang ipitin sila at bigyang-matwid ang armadong pagsupil sa kanila.

Nagmamadali si Duterte na palakasin ang militar at pulis at pahigpitin ang kontrol niya rito upang itatag ang isang diktadura at ipagtanggol ito sa pamamagitan ng pwersa para supilin ang lahat ng pagtutol at paglaban.

Naghahabol si Duterte na makuha ang suporta ng imperyalistang hepe na si Trump at ng establisimentong panseguridad at pandepensa ng US sa pamamagitan ng pagbibigay sa militar ng US ng lahat ng kalayaan na manghimasok sa Pilipinas at gamitin itong lunsaran ng pagpapakitang-gilas sa South China Sea. Nagpapamalas siya ng todong pagpapakatuta sa US.

Nais ni Duterte na wasakin ang lahat ng sagabal sa kanyang burukrata-kapitalistang paghahari upang bigyan ang kanyang mga kroni, mga malaking burgesyang komprador na kumpare at mga pinapaburang sindikatong kriminal ng walang hanggang oportunidad na gamitin ang pera ng mamamayan at pribilehiyo ng estado para mag-ipon ng tubo at yaman.

Nagkukumahog si Duterte sa planong pagpataw sa mamamayan ng bagong mga buwis bilang kolateral o garantiyang makapagbayad sa pautang mula sa World Bank at Asian Infrastructure Investment Bank at ODA (official development aid) mula Japan. Balak ding kaltasan ang buwis na sinisingil sa mga korporasyon bilang insentibo para sa dayong pamumuhunan. Minamadali rin ni Duterte ang pagbabago ng konstitusyong 1987 ng GRP upang bigyang-daan ang todong liberalisasyon at ang kanyang planong itatag ang isang pederal na anyo ng gubyernong magbibigay ng ligalidad sa kanyang pinalawig na paghahari. Batid ni Duterte na mabilis siyang nauubusan ng panahon para mabawi ng mga sumuportang malalaking kumprador ang daan-daang milyong pisong ipinuhunan sa kanya noong eleksyon.

Sa harap ng malalim na krisis pang-ekonomya at panlipunan ng naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal, mas malamang na hindi magtatagal ang isang diktadurang Duterte, kahit pa magawa niyang mapalawig ang kanyang buhay. Taliwas sa layunin niyang ganap na kontrolin ang estado, tiyak na palalalimin ng isang diktadurang Duterte ang pagkakabitak ng naghaharing uri at ng kanyang rehimen, laluna sa hanay ng AFP at PNP at sa mga bulok nitong upisyal na tapat sa iba’t ibang paksyon sa pulitika.

Sa pagbabantang agawin ang lahat ng kapangyarihan, idineklara rin ni Duterte na maglulunsad ng gerang “full-scale” laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang totoo, hindi kailanman naglubay ang AFP sa all-out war sa buong bansa (kahit noong panahon ng limang buwang sabayang tigil-putukan sa BHB). Alinsunod sa utos ni Duterte na “patagin ang mga bundok”, naglunsad ang AFP ng kampanya ng “aerial bombing” laban sa mga komunidad ng magsasaka na naglagay ng buhay ng mga sibilyan sa panganib. Malawakang paglabag sa karapatang-tao sa buong bansa ang ibinunsod ng todong-gera ng AFP.

Sabi ni Duterte, nakahanda siya sa panibagong 50 taong gera laban sa BHB. Sa harap ng krisis ng naghaharing sistema, sobra-sobrang panahon na ito para gapiin ng BHB ang AFP. Pero ang totoo, bigo ang AFP at ang reaksyunaryong gubyerno sa tangka nitong mabilis na tapusin ang gera laban BHB sa pamamagitan ng mga sunud-sunod na kampanyang all-out war. Kahit nga ang limitadong gera sa Marawi City para supilin ang isang armadong pag-aalsa ng mga Moro ay hirap na hirap na mabilisang tapusin ng AFP.

Ang isang kudeta ni Duterte para itatag ang isang diktadura ay tiyak na magbubunsod ng pagbubuklod ng sambayanang Pilipino sa isang malapad na prenteng anti-diktadura na may malakas na ubod ng mga pambansa-demokratikong pwersa. Batid ang mga aral sa ilalim ng diktadurang Marcos, determinado ang sambayanang Pilipino na labanan ang plano ni Duterte na itatag ang isang pasistang diktadura.

Hindi natatakot ang bayan sa banta ni Duterte na “ipaaaresto ko kayong lahat.” Taliwas dito, si Duterte ang gusto nilang ipaaresto upang mapanagot siya sa lahat ng krimen niya laban sa mamamayang Pilipino.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]

[av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/10/20171021pi.pdf” height=”600px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]

[/av_one_fifth]