Armadong aksyon ng BHB sa Camarines Sur at Negros Occidental

Iniulat ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nagdaang mga linggo ang inilunsad nitong mga armadong aksyon laban sa mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga ahenteng paniktik nito.

Sa Camarines Sur, pinasubagan ng BHB-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) ng command detonated explosive ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Mabini, Del Gallego noong Oktubre 25. Ang isinagawang aksyong militar ay bahagi ng pamamarusa sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa masang magsasaka ng mga elemento ng CAFGU na nasa ilalim ng 81st IB. Bahagi rin ng pagtatanggol ng BHB-Camarines Sur sa masang magsasaka ang mga aksyong pamamarusa sa dalawang ahenteng paniktik ng AFP noong Agosto.

Sa Negros Occidental, apat na maiiksing armas at isang laptop ang nasamsam mula sa ahente sa paniktik ng AFP na si Armie Tuparan sa Barangay Carabalan, Himamaylan City noong Nobyembre 14. Ipinataw ng BHB-South Central Negros (Romeo Nanta Command) ang parusang kamatayan kay Tuparan alinsunod sa naging hatol sa kanya ng hukumang bayan.