[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ bottom_border_diagonal_color=’#333333′ bottom_border_diagonal_direction=” bottom_border_style=” scroll_down=’aviaTBscroll_down’ custom_arrow_bg=” id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2018/02/us-duterte-uncle-sam-trump-patalsikin-protesta-npa-bagong-huk_RbgptPU.jpg’ attachment=’8515′ attachment_size=’full’ attach=’parallax’ position=’top center’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.3′ overlay_color=” overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=” av_element_hidden_in_editor=’0′][/av_section]
[av_heading tag=’h1′ padding=’10’ heading=’Labanan at biguin ang teroristang lagim ng rehimeng US-Duterte’ color=” style=’blockquote modern-quote’ custom_font=’#ffffff’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ custom_class=” admin_preview_bg=” av-desktop-hide=” av-medium-hide=” av-small-hide=” av-mini-hide=” av-medium-font-size-title=” av-small-font-size-title=” av-mini-font-size-title=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=”]
Editoryal | Ang Bayan
Pebrero 7, 2018
[/av_heading]
[av_three_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[av_dropcap1]P[/av_dropcap1]arang asong ulol si Rodrigo Duterte sa kanyang kaliwa’t kanang pang-aatake at pang-aalipusta sa mamamayan matapos mabigo ang kanyang mga alipures na iratsada sa kongreso noong Enero ang pinakahuling pakana ng pekeng pederalismo sa anyo ng charter change.
Walang renda ang kanyang bibig sa pagbabanta at pagmumura sa rebolusyonaryong kilusan, mga progresibong organisasyon at indibidwal, kanyang mga kalaban sa pulitika, mga myembro ng midya at mga sektor na lumalaban sa garapal niyang pagmamaniobra para ipwesto ang sarili bilang pasistang diktador at palitawing lehitimo ang itinatayo niyang pasistang diktadura. Desperado si Duterte na gapiin ang mamamayang hindi natitinag ng kanyang pambabraso, pagbabanta at intimidasyon.
Gamit ang mga armadong pwersa at kapangyarihan bilang presidente ng reaksyunaryong estado, pinatitindi ni Duterte ang kanyang teroristang paghahari sa buong bansa. Matapos niyang atakehin ang kalayaan sa pamamahayag, binantaan naman niya ang nagpuprotestang kabataan para sikilin ang kanilang karapatang magtipon at magpahayag. Ipinatutupad niya ang crackdown sa kalunsuran sa sunud-sunod na pagsasampa ng gawa-gawang kaso at tangkang pang-aaresto sa mga aktibista at lider ng mga progresibong organisasyon. Binabraso niya ang kalaban niyang mga pangkatin sa pulitika. Isinuspinde niya ang upisyal ng Ombudsman na nagbunyag sa milyun-milyong nakatagong deposito sa bangko ng kanyang pamilya. Binantaan niyang kakasuhan ang mga husgado na tumangging tumestigo sa kasong impeachment laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Ginagamit niya ang mga isyu ng bayan tulad ng Dengvaxia at Mamasapano para ipitin ang mga upisyal ng nagdaaang rehimen. Sa ngalan ng huwad na kampanya kontra-korapsyon, isa-isa niyang sinisipa sa pwesto ang mga upisyal na itinalaga ng huli.
Sa kanayunan, pinaiiral niya ang hayag na pasistang paghahari. Ginigipit, ikinukulong at ipinapapatay ang mga aktibista sa mga baryo, mga kamag-anak ng mga pinaghihinalaang Pulang mandirigma, at maging ang retirado nang mga rebolusyonaryo para magsabog ng lagim sa hanay ng mga tagasuporta sa kilusan. Daan-daan nang tropa ang itinambak sa mga ‘prayoridad na erya’ para maglunsad ng mabangis at tuluy-tuloy na mga operasyong militar. Pinalalayas sa kanilang mga komunidad ang mamamayan para limasin ang pinaghihinalaang rebolusyonaryong mga base at ibuyangyang ang mga ito sa pandarambong ng mga dayuhang kumpanya.
Tuluy-tuloy niyang inaatake at sinisiraan ang rebolusyonaryong kilusan. Sa kabila ng umiiral na mga kasunduan, ipinaaresto niya si Rafael Baylosis, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines, at pinagbabantaan ang iba pa. Bukambibig niya ang disimpormasyon at pekeng balita na ipinagkakalat ng makinarya ng bayarang mga troll ng AFP para palabasing terorista ang PKP at BHB at gamitin itong sangkalan sa pagpataw ng batas militar sa buong bansa. Lalo pa itong titindi ngayong pinagtibay na ng sunud-sunurang mga husgado sa Korte Suprema ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang katapusan ng 2018.
Patuloy na mabibigo ang mga pasistang pakana ni Duterte. Malaon na siyang nabunyag bilang pasistang sinungaling na hayok sa yaman at kapangyarihan. Mismong ang kanyang mga paghahambog at pang-aalipusta ang naghihiwalay sa kanya sa sambayanan.
Sa kaso ng hungkag na pederalismo, mismong ang kanyang pagmamadali at garapal na pagmamaniobra na solohin ang kapangyarihan at palawigin ang termino ng kanyang mga kasapakat ang nag-udyok ng pagtutol ng maraming uri at sektor. Lumawak ang pagtutol laban sa charter change, mula sa mga konstitusyunalista at mga senador hanggang sa mga estudyante at akademiko at iba pang mga demokratikong sektor. Kasabay nito ang mga protesta laban sa kanyang mga neoliberal na patakaran tulad ng TRAIN na nagpapasirit sa mga presyo ng lahat ng mga bilihin at serbisyo. Dumugtong ito sa mga protesta para sa paggigiit sa iba pang batayang mga serbisyo at kagalingan.
Sa laban ng mamamayan sa charter change at iba pang pasistang pakana ng rehimen, lumitaw ang dalawang magkatunggaling kampoósi Duterte at ang kanyang ‘supermayorya’ ng mga bulok na pulitiko sa isang banda at ang malawak na sambayanang Pilipino sa kabilang banda. Sa gayon, niloloko lamang ni Duterte ang kanyang sarili sa paniniwalang mataas pa ang kanyang popularidad at may kredibilidad pa siya sa mamamayan.
Dapat lamang ilunsad ang malalaki at paparaming kilos-protesta laban sa pinatinding teroristang lagim ni Duterte. Dapat ipunin sa mga protestang ito ang kolektibong galit ng mamamayan sa papet, korap at pahirap na rehimen, at singilin sa papalaking pananagutan nito. Kagyat na wakasan ang batas militar sa Mindanao at biguin ang mga gera ng pangwawasak at pamamaslang. Paalingawngawin ang panawagang ibagsak si Duterte sa mga paaralan, pabrika, palengke, komunidad, baryo at iba pang sentro ng taumbayan.
Ibayo pang palaparin ang alyansang anti-Duterte. Palawakin ang mga inisyatiba ng iba’t ibang uri at sektor sa paglulunsad ng mga kampanya at pagkilos para kundehanin ang pagpapahirap ng mga patakaran ng rehimen. Nasa pusisyon ang kilusang kabataan-estudyante para palakasin ang tinig ng kanilang sektor, tulad ng ipinamalas ng kabataan noong Sigwa ng Unang Kwarto.
Ipalaganap ang panawagang ibagsak si Duterte sa ibayong dagat. Mula’t sapul, marami nang sektor at organisasyon ang nabahala sa laganap na pamamaslang at panggigipit ng kanyang rehimen. Ipanawagan ang pagkundena sa pagsunud-sunuran niya sa makinaryang pandigma ng imperyalistang hepe na si Donald Trump. Higit pa siyang ihiwalay sa mata ng mamamayan sa buong daigdig.
Higit sa lahat, kailangang ilunsad ng Bagong Hukbong Bayan ang matutunog na taktikal na opensiba na yayanig sa pasistang paghahari ni Duterte. Hindi dapat hayaang maghari-harian ang kanyang mga pasistang tropa sa kanayunan. Dapat harapin ng buong rebolusyonaryong kilusan ang walang awat na mga operasyong militar at biguin ang pangwawasak at pasipikasyon sa mga organisasyong masa at mga sangay ng Partido. Biguin ang kampanya ng encirclement ng kaaway sa pamamagitan ng higit pang pagpapalawak at pagpapatatag sa mga larangang gerilya para epektibong makapagmaniobra ang mga yunit ng BHB.
Habang puspusang nilalabanan ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao ang pinag-isang all-out war at batas militar, dapat palakasin ng mga yunit ng BHB sa Luzon at Visayas ang mga atake para pwersahin ang AFP na batakin ang sarili.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]
[av_two_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=” mobile_breaking=” mobile_display=”]
[av_social_share title=’Share’ style=’minimal’ buttons=’custom’ share_facebook=’aviaTBshare_facebook’ share_twitter=’aviaTBshare_twitter’ share_gplus=’aviaTBshare_gplus’ share_reddit=’aviaTBshare_reddit’ share_mail=’aviaTBshare_mail’ admin_preview_bg=”]
[av_hr class=’invisible’ height=’50’ shadow=’no-shadow’ position=’center’ custom_border=’av-border-thin’ custom_width=’50px’ custom_border_color=” custom_margin_top=’30px’ custom_margin_bottom=’30px’ icon_select=’yes’ custom_icon_color=” icon=’ue808′ font=’entypo-fontello’ admin_preview_bg=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=” av-medium-font-size=” av-small-font-size=” av-mini-font-size=” admin_preview_bg=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2018/02/20180207pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[av_hr class=’invisible’ height=’50’ shadow=’no-shadow’ position=’center’ custom_border=’av-border-thin’ custom_width=’50px’ custom_border_color=” custom_margin_top=’30px’ custom_margin_bottom=’30px’ icon_select=’yes’ custom_icon_color=” icon=’ue808′ font=’entypo-fontello’ admin_preview_bg=”]
[av_magazine link=’category,694′ items=’9′ offset=’1′ thumbnails=’aviaTBthumbnails’ heading_active=’aviaTBheading_active’ heading=’Ang Bayan archive’ heading_link=’page,4308′ heading_color=’theme-color’ heading_custom_color=’#ffffff’ first_big=’aviaTBfirst_big’ first_big_pos=’top’ admin_preview_bg=”]
[/av_two_fifth]