Pinatawan ng parusang kamatayan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mt. Amandewin Command si Michael Robel, kontra-rebolusyonaryo at bayarang aset ng 93rd Infantry Battalion, kanina, Enero 25, alas-4:40 ng madaling araw sa bawnderi ng mga barangay ng Uguiao at Rubas sa bayan ng Jaro, Leyte.
Dating magsasaka si Robel pero kalauna’y iniwan niya ang marangal niyang paghahanapbuhay at nagsimulang magbigay ng impormasyon sa kaaway. Naging regular na ang kanyang pag-uulat sa kanila at regular pang nakatanggap ng sahod mula sa 19th IB noong nakadestino pa ito sa Leyte. Lalong nalantad ang maruming paghahanapbuhay ni Robel nang kumalat sa baryo ang pag-uutos niya sa mga bata na suyurin ang bukirin para hanapin ang mga temporaryong kampo ng BHB. Responsable din si Robel sa isang operasyong strike ng 93rd IB noong 2019 laban sa isang yunit ng BHB sa Sityo Campagal, Barangay Rubas.
Ang mga kagagawan niya ay nagdulot ng gulo sa kanilang komunidad. Ilang mga magsasaka ang pinagbantaan, hinaras, at walang tigil na ni-red tag sa bintang na mga tagasuporta sila ng BHB. Dahil sa mga gawa-gawang ulat na sinasabi niya sa militar, naging tuluy-tuloy ang mga operasyong kombat o namamalagi sa baryo ang mga tropang RCSP, at tumitindi rin ang panggigipit sa masa. Minsa’y direkta nalang niyang kinukwestyon ang mga tagabaryo na pinagdududahan niya dahil lang nawawala ito sa baryo.
Bago ipinatupad ng BHB-MAC ang parusang kamatayan, ilang beses nitong pinayuhan si Robel na itigil ang kanyang mapanirang gawain. Ngunit hindi siya nakinig at patuloy siyang naging bayarang tuta ng militar. Regular pa rin siyang nag-uulat sa mga upisyal sa intelidyens, isa na rito ang upisyal sa paniktik na si “Palacio.”
Nananawagan ang BHB-MAC sa iba pang mga barayang aset ng pasistang militar na itigil na ang pagpapagamit sa kanila kapalit ng salapi. Binebenta ninyo ang inyong dangal at ang kapakanan ng masa na kapwa ninyo naghihirap at sinasamantala. Walang halagang tutumbas sa pamiminsalang idinudulot ninyo sa kanila.











