Ang rehimeng-US Marcos II ang tunay na sakuna sa mamamayan

Isa ang Cavite sa nasalanta ng malakas na buhos ng ulan matapos bumagsak ang Bagyong Carsing sa bansa. Hindi bababa sa siyam na bayan at munisipalidad ng probinsya ang lubog sa baha magpahanggang sa ngayon. Karamihan dito ay mga nasa Lowland District ng lalawigan na eryang urban, pamayanan ng mga mangingisda at maski ang malalaking engklabo tulad ng Cavite Economic Zone (CEZ) ay hindi pinalampas ng baha.

Umaabot na sa mahigit 30,000 lokal na mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil hindi makalaot sa lakas ng agos ng alon. Bukod dito, nasa 43 ng 47 na barangay ng syudad ng Bacoor ang naitalang naapektuhan kung saan kalakhan ng mga naninirahan ay maralitang-lungsod. Samantalang sa syudad ng Imus, hindi bababa sa 1,049 indibidwal na ang lumikas dahil sa taas ng baha. Umapaw naman ang ilog Ylang-ylang sa Noveleta at nilalamon ng tubig ang mga katabi nitong munisipalidad na Rosario, Kawit at Cavite City.

Naitala na rin ang isang kaswalti na 16-year old na dalagita sa Barangay Calibuyo, Tanza na nalunod nang tangayin ng rumaragasang tubig-ilog. Namataan ang kanyang katawan sa ibang parte ng ilog bandang 4:00PM ng hapon na nakapulupot sa mga lirya.

Sa kabila ng lahat ng ito, kibit-balikat lamang si Marcos sa delubyong kinakaharap ng mamamayang Pilipino. Ipinangalandakan pa niya ang lantarang pagbebenta ng soberanya at patrimonya ng bansa nang daluhan niya ang isang courtesy meeting sa White House, Washington, D.C upang personal na kausapin ang kanyang amo na si Donald Trump. Isinara nila ang usapan sa isang ‘trade deal’ na ibubukas ang merkado ng Pilipinas sa US, zero tarrifs para sa Estados Unidos kapalit ng pagbabayad ng 19% na taripa sa US o katumbas ng 1% tariff cut mula sa orihinal na 20% taripa.

Dagdag pa dito, garapalang sinang-ayunan ni Marcos ang pakana ng US na konsolidahin ang kontrol nito sa Pilipinas sa tabing ng ‘paghihigpit ng kooperasyon ng US-RP sa usaping seguridad at militar’. Suot-suot ang maskarang para sa ‘disaster response’, maitim na balak ng US na gamitin ang mga pasilidad ng EDCA sites para sa military expansion nito sa bansa at pagbabagsak ng ayuda sa balangkas ng Indo-Pacific Strategy nito upang patuloy na sikuhin ang karibal nitong Imperyalistang Tsina at makapagpaputok ng isang proxy war.

Mula rito, higit pang ibinuyangyang ng rehimeng US-Marcos sa publiko ang pagpapakatuta nito at ang pagiging pabaya. Sa halip na ugatin ang problema sa mga sakuna, ipinagmamayabang pa ni Marcos ang 9,856 na nakumpletong flood control projects na binuhusan ng mahigit kalahating trilyong piso mula 2022 na hindi madama ang epekto. Patuloy pang pinahihintulutan ng rehimen ang operasyon at pagtatayo ng mga proyektong kumbersyon na nagreresulta sa irreversible damages sa malalawak na kalupaan at karagatan sa lalawigan.

Tulad na lamang sa 421-ektaryang Diamond Reclamation Project at Bacoor Reclamation and Development Project ng Frabelle Fishing Corporation, konstruksyon ng dambuhalang Serin condominium estates at Ayala malls ng mga Ayala sa bahaging Tagaytay, pagtatayo ng River Revetment Wall sa Sitio Pasipit, Barangay Tubuan 3, Silang, ang 3,500 ektaryang Villar City Project na saklaw ang bahaging Barangay Salawag at Barangay Paliparan sa Dasmariñas, ang 11.7 kilometrong LRT-1 Cavite Extension sa 4 na barangay ng Bacoor at marami pang iba.

Ito ang mga pangunahing sanhi ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa probinsya na walang pagdadalawang-isip na inaaprubahan ng rehimeng Marcos II. Pangunahing kinasasabwat nila dito ang mga lokal na burukrata kapitalista’t pampulitikang dinastiya na naghahari ngayon sa bawat distrito ng lalawigan at nakikinabang sa mga proyektong ito. Kapalit nito ang pagkawasak ng kabuhayan ng libo-libong mamamayan sa Cavite at malawakang dislokasyon.

Kung gayon, mahihinuha natin na ang tunay na sakuna sa mamamayan ay walang iba kung hindi ang rehimeng US-Marcos II. Tinatawagan namin ang malawak na mamamayan sa Cavite na magkaisa at sama-samang singilin ang rehimeng Marcos sa lahat ng krimen nito sa sambayanang Pilipino! Nananatiling ang pagtahak natin sa landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon matitiyak na malulutas ang paghihirap ng mamamayan na hatid ng tutang rehimeng Marcos. Mamamayan ng Cavite, tahakin ang landas ng armadong pakikibaka! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at isulong ang matagalang digmang bayan! Ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan!

Source link