[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/06/EDITORIAL_06212017-web-300×300.jpg’ attachment=’6907′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=”]
[av_heading heading=’Dinggin ang sigaw ng Marawi at Mindanao’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’]
Editoryal | Ang Bayan | Hunyo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_section]
[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading heading=’EDITORYAL’ tag=’h3′ style=’blockquote modern-quote’ size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ padding=’10’ color=” custom_font=”]
Ang Bayan
Hunyo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]
[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
[av_dropcap1]H[/av_dropcap1]abang nagtatagal ang pagkubkob at pagsakop ng AFP sa Marawi at ang pagpataw ng batas militar sa buong Mindanao, lalong kumakapal ang usok ng disimpormasyon at panlilinlang. Araw-araw ay naglulubid ng buhangin ang mga upisyal-militar, si Duterte at kanyang mga tagapagsalita at tagasulsol sa tangkang tabunan ang katotohanan.
Sila ang nagluluto ng lahat ng balita tungkol sa Marawi na pinalalabas sa kinokontrol nilang lagusan ng impormasyon. Hawak ang gatilyo, pinagbantaan ng AFP ang sinumang maglalabas, sa midya man o sa internet, ng impormasyong sa kanilang pakiwari’y nakasisira sa kanilang imahen o anila’y tumutulong sa mga pwersang tinuran nilang kalaban o rebelde. Tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan na hukayin at ilabas ang katotohanan na pilit ibinabaon ng rehimeng Duterte, ng AFP at ng US tungkol sa pagkubkob at patuloy na pagwasak sa syudad ng Marawi, gayundin tungkol sa pagpataw ng batas militar sa buong Mindanao.
Ang gerang dinala ni Duterte at ng AFP sa Marawi City ay sinasabing gera laban sa tinaguriang grupong Maute. Pinalalabas ni Duterte mismo na ang mga Maute ay sangkot sa droga, terorista o kaya’y “grupong ISIS.”
Ang totoo, sumiklab ang gera matapos nilusob ng mga sundalo ng AFP ang syudad ng Marawi noong Mayo 23. Sangkot sila sa operasyong pinaniniwalaang pinatakbo ng militar ng US para hulihin ang tinurang “dayong teroristang” lider-Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon at makuha ang pabuyang $5 milyon mula sa US. Katulad ng palyadong operasyon sa Mamasapano noong 2015, ang pagdagsa ng mga sundalo sa Marawi City ay sinalubong ng paglaban ng iba’t ibang armadong grupong Moro, kabilang na ang sa pamilyang Maute, isang prominenteng pamilya mula sa Butig, Lanao del Sur.
Mag-iisang buwan na mula nang kinubkob ng AFP ang Marawi subalit bigo pa rin itong gapiin ang sinasabi nitong “maliit na teroristang grupo.” Sa digmaan, hindi makatatagal ang isang “maliit” na grupo sa tuluy-tuloy na labanan kung wala itong malawak na suporta ng iba pang grupo, mga lider at tao sa lugar.
May ilang panahon nang nag-iipon ang iba’t ibang armadong grupo sa Marawi, sentrong ng kultura at komersyong Moro. Ilan ito sa mga lumitaw na grupong Moro na nais ituloy ang armadong rebolusyon para sa pagtatatag ng Bangsamoro. May mga armadong grupo na, katulad ng mga Maute, ay dating kabilang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), na ang mga namumu-no’y nagdeklarang hindi na maglulunsad ng digmaan.
Ilan sa mga grupong ito ay galit sa militar at Central Intelligence Agency (CIA) ng US na binabatikos nilang nakikialam sa lokal na pulitika. Pinasisiklab ng GRP-AFP-US ang mga armadong ribalan ng mga angkan upang pagsabung-sabungin ang mga Moro at pahinain ang kanilang paglaban. Noon pang 2003 sinimulan ang makapal na presensya ng militar ng US sa saklaw ng lupaing Bangsamoro na tinuran nilang “ikalawang larangan ng gera kontra-terorismo.”
Ang pag-aarmas ng mga Moro ay hakbanging tugon nila sa patuloy nilang dinaranas na pambansang pang-aapi sa ilalim ng GRP. Walang-lubay ang ginagawa ng GRP na panloloko, pang-aapi, pandarahas, panggagahasa, pagparusa at pagnanakaw sa mga Moro sa katauhan ng mga sundalo ng AFP.
Marami sa mga grupong ito’y dismayado sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagitan ng GRP at MILF at ilang bahagi ng MNLF. Kabilang sa malalaking usaping kinakaharap ng mamamayang Moro ay ang usapin ng likas na yaman sa Bangsamoro. Daan-daang ektaryang lupain ang pinaglalawayan ng malalaking dayuhang kapitalista at mga lokal na kasabwat para gawing mga plantasyon.
Itinutulak ngayon ng rehimeng Duterte ang pag-aamyenda sa BBL upang maakit ang mga Moro na bitawan ang kanilang mga baril at pumailalim sa isang kaayusang nasa kapasyahan ng GRP, ng AFP at ng militar ng US. Madugong gera, tulad ng ginawang pagwasak sa Marawi, ang pangako ni Duterte sa mga hindi makikiisa sa kanyang plano.
Ang umuusbong na magkakaibang armadong grupo ng mga Moro ay napagbubuklod sa iba’t ibang paraan ng relihiyong Islam at mga Batas ng Shari’a (tulad noon sa MILF). May ilang lider sa kanila na tumitingala sa grupong ISIS (sa Middle East), isang grupo na sinuportahan at pinondohan ng US para pabagsakin ang halal na gubyernong Assad sa Syria. Subalit para sa mga armadong grupong Moro, ang saligang usapin sa kanilang pag-aarmas ay ang paglaban sa pang-aapi at ang usapin ng pagpapasya-sa-sarili.
Tulad ng mga imperyalistang kapangyarihan, pinapaypayan ng rehimeng Duterte ang “black scare” o Islamophobia (ang takot sa relihiyong Islam), para bigyang-matwid ang pang-aapi sa mga Moro at tabunan ang kinakaharap nilang mga usaping sosyo-pampulitika. Tinatawag ni Duterte na “ekstremismo” ang armadong paglaban ng mga Moro ngayon, gayong malaon na ang kanilang armadong paglaban para sa kagalingan at mga karapatan.
Kahit walang solidong batayan (liban sa pagwawagayway ng itim na bandilang unibersal na sagisag ng Islam), pinalalabas niyang ang mga armadong lumalaban ay pinatatakbo ng ISIS. Ang mga Muslim ay awtomatikong suspek sa “terorismo.” Minamanmanan ang mga komunidad ng Moro sa Davao City at Kamaynilaan. Isinailalim ang mga Muslim sa Marawi sa ibayong paghihigpit ng mga sundalo ng AFP.
Hindi mapasusubalian kahit ni Duterte na nakapagtatagal ang armadong paglaban ng mga armadong grupo sa Marawi dahil sa pagkakaisa nila at ng mamamayang Moro. Pilit itong tinatabunan ng ipina-mamalitang atake ng mga armado sa mga sibilyan. Dapat itong bati-kusin, kung totoo man. Para maku-ha ang suporta ng mga tao, obli-gadong iwasang mapahamak ang mga sibilyan at itutok ang mga sandata laban sa mga armadong kalaban.
Pinalalabas ni Duterte na dahil sa mga “ekstremista,” sisiklab ang isang gerang angkan kontra ang-kan, isa umanong gerang komunal. Taliwas dito, ang sinilabang gera ni Duterte laban sa Marawi ay mag-uudyok ng ibayong pagkakaisa ng mamamayang Moro at magtutulak sa kanila sa panibagong yugto ng armadong paglaban para sa kani-lang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili.
NIYUYURAKAN NG BATAS MILI-TAR ang karapatan ng milyun-milyong mamamayan. Patuloy na dumarami ang mga kaso ng pang-aabuso ng militar at pulis. Sawa na ang bayan sa ginagawang panggigipit sa kanilang mga kalayaan at pagkait sa kanilang mga karapatan. Sa ilalim ng batas militar, lalo pang lumala ang dati nang malupit na todo-gera ng AFP laban sa mamamayan.
Mariing binabatikos ng Partido ang rehimeng Duterte sa walang-lubay na pambobomba at pangwawasak ng AFP at militar ng US sa Marawi. Dinadambong at ninanakawan ang mga bahay ng mga residente. Pinalalabas ng AFP na 26 lamang na sibilyan ang namatay, subalit may mga ulat na nagsasabing hindi bababa sa isanlibo ang dinala sa mga punerarya.
Isa nang malalang krisis sa dislokasyon at gutom ang iniluwal ng pagkubkob ni Duterte, ng AFP at US sa Marawi. Mahigit tatlong daanlibong mamamayan sa syudad at mga karatig na pook ang napilitang lumikas at ngayo’y walang bahay at kabuhayan.
Mistulang henosidyo ang ginawa ni Duterte laban sa mga Maranao at Moro ng Marawi. Gamit ang kapangyarihan ng batas militar sa Mindanao, ipinakain ni Duterte ang Marawi sa mababangis na halimaw ng AFP upang umamo sa kanya ang mga ito. Ang pagtataas ni Duterte ng bandila ng “gera kontra-terorismo” ay ginagamit ngayon ng imperyalismong US para lalong palakihin ang presensya at panghihimasok nito sa Pilipinas.
Idineklara na ni Duterte ang balak niyang ipataw ang batas militar sa buong bansa. Puspusang lalabanan ito ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan. Katarungan ang sigaw ng masa ng Marawi sa lahat ng buhay na kinitil ng mga bomba at kanyon at sa mga ari-arian nilang ninakaw. Dapat magkaisa ang mamamayang Pilipino at mamamayang Moro para singilin ang rehimeng Duterte sa pananagutan nito sa lahat ng mga pinsalang idinulot nito sa Marawi.
Dapat gawin ang lahat upang alalayan ang mga taga-Marawi sa panahon ng kanilang paglikas at suportahan ang kanilang pakikibaka na muling makabalik sa kanilang syudad; makiisa at sumama sa kanilang sigaw na bigyan ng marapat na kabayaran sa lahat ng danyos bunga ng pagkubkob sa kanilang syudad.
Panawagan ng Partido sa buong sambayanang Pilipino at Moro: Dinggin ang taghoy ng Marawi at Mindanao. Wakasan ang pagkubkob at pagsakop ng AFP sa Marawi! Wakasan ang batas militar sa Mindanao! Palayasin ang AFP at mga sundalong Amerikano sa Marawi at sa buong bansa! Papanagutin si Duterte, ang US at AFP kanilang mga krimen laluna laban sa mama-mayang Moro!
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]
[av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/06/20170621pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[/av_one_fifth]