Firmly oppose Mindanao martial law

[av_section min_height=’75’ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/06/EDITORIAL_06072017-color-web-300×258.jpg’ attachment=’6839′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=”]
[av_heading heading=’Firmly oppose Mindanao martial law’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’]
Editorial | Ang Bayan | June 7, 2017
[/av_heading]
[/av_section]

[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading tag=’h3′ padding=’10’ heading=’EDITORIAL’ color=” style=’blockquote modern-quote’ custom_font=” size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ custom_class=”]
Ang Bayan
June 7, 2017
[/av_heading]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Filipino»
[/av_textblock]
[/av_one_fifth]

[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
The entire revolutionary movement strongly condemns the imposition of martial law and the suspension of the writ of habeas corpus in Mindanao by GRP President Duterte. This has no justification. That martial law in Mindanao was imposed because of claims of rebellion and terrorism of the so-called Maute Group in Marawi City is unacceptable.

Duterte’s declaration must be denounced because it gives the AFP and PNP unrestrained freedom to abuse their powers against the people. Duterte has even openly encouraged the soldiers to carry out abuses when he said he will answer for them.

Even before martial law was imposed, soldiers and police have been relentlessly abusing human rights and trampling on the people’s welfare under the all-out war declaration of Duterte-Lorenzana last February against the NPA. By imposing martial law and suspending the writ of habeas corpus in Mindanao, the military and police have become even more ruthless in using their armed power to carry out horrific repression, violence, crime and corruption.

With martial law powers, the AFP and PNP are suppressing the people’s civil-democratic rights in setting up checkpoints all over and warrantless searches and arrests. Everyone is a suspect and obliged to prove their innocence. They directly intervene in conflicts between capitalists and workers and defend the interests of the former. They claim even the power to censor anyone who goes against their reasoning.

When martial law was declared, the AFP became more ruthless in waging brutal operations against people suspected of supporting the armed revolution because of their active defense of their welfare. Successive aerial bombardment and strafing were carried out in Davao del Sur, Bukidnon, North Cotabato and Compostela Valley which are quite a distance from the said rebellion of the Mautes. Military officials themselves said “martial law or not”, they will continue to wage operations in civilian communities which they suspect to be NPA territories.

Any plan to impose martial law nationwide must be firmly resisted. The people will determinedly oppose Duterte if he will attempt to install himself a dictator, close down civilian institutions, completely deny formal civil rights and establish open state fascist and terrorist rule.

By supporting all-out war, imposing Mindanao martial law and giving the military full powers, Duterte’s claims of being a Leftist, socialist and pro-masses erode. He is in danger of being isolated from the Filipino people. In Mindanao, soldiers and police carry Duterte’s name as they occupy civilian communities, searches, arrests, taunting and repressing the workers and peasants struggling to defend their rights and welfare. In complying with the order to “flatten the hills”, the AFP sticks his name on every bomb dropped which causes widespread destruction on the people’s livelihood and environment and brings about intense fear among the people.

The AFP’s all-out war is poisoning the atmosphere in the NDFP-GRP peace negotiations. This jeopardizes the talks especially with Duterte’s demand for the NPA to declare a ceasefire before proceeding with talks and agreements on substantive socio-economic and political issues.

Duterte is giving more powers to the military. He has given more weight to his threats against the courts and other government agencies. Congress has become a mere ornament when it refused to subject Duterte’s martial law declaration to scrutiny. In the name of the “war against terror” that is now being linked to the “war against drugs”, Duterte is using and brandishing military power in the entire Mindanao.

Under this, the AFP has carried out its more than half month all-out war that has resulted in widespread destruction of Marawi City and disaster on the lives and livelihood of more than 200,000 people. Despite the people’s pleas, the aerial bombardment by AFP helicopters and warplanes have been ruthless against homes, buildings, roads and other civil infrastructure. Almost every resident has left. Just as in the widespread destruction of Zamboanga City in 2013, the destruction of Marawi City is expected to open large infrastructure projects. The echoes of bombs have yet to die down, yet the big bourgeois compradors have started to drool and encircle Marawi.

What started out as an offensive by the Duterte regime against the Maute Group is now rousing anger among Moro leaders because of the relentless destruction of the lives of Marawi’s people. Almost all (98%) of the people of Marawi are Moros. If the complete destruction of Marawi continues, the war launched to “suppress terrorism” will be regarded by the Moro people as a war against them.

In imposing martial law and not addressing the basic question of self-determination, the Duterte regime will fail to resolve the emergence of various armed Moro groups with different aims. Historically, revolutionary, progressive and anti-imperialist groups have emerged advancing the interest of the Bangsamoro. However, there are also those who espouse a war based on religion or those who have been reduced to criminal banditry. If the Duterte regime will not rein in the AFP’s bombardment, instead of suppressing the armed bandit groups, the ruthless and brutal war of the AFP will succeed in pushing more Moro people to take up arms and engage in war.

In unity with the Filipino and Moro people, the Party stands for the immediate end of martial law imposed by Duterte in Mindanao and for the restoration of the writ of habeas corpus. The Filipino and Moro people must also unite against all forms of terrorist attacks against civilians. While condemning armed groups which target and deliberately harm civilians, they must also strongly condemn the terrorism of the relentless war of destruction of the AFP against Marawi City.


Puspusang labanan ang batas militar sa Mindanao

[av_dropcap1]M[/av_dropcap1]ariing binabatikos ng buong rebolusyonaryong kilusan ang pagpapataw ni President Duterte ng GRP ng batas militar at pagsuspinde sa writ of habeas corpus sa buong Mindanao. Wala itong makatwirang batayan. Ang sinasabi niyang rebelyon at terorismo ng tinaguriang Maute Group sa Marawi City ay hindi katanggap-tanggap na batayan para ipataw ang batas militar sa buong Mindanao.

Dapat batikusin ang deklarasyon ni Duterte dahil ibinibigay nito sa AFP at PNP ang buong layang abusuhin ang kanilang kapangyarihan laban sa bayan. Tahasan pang hinikayat ni Duterte ang mga pang-aabuso ng mga sundalo nang sinabi niyang siya ang mananagot para sa kanila.

Bago pa man ipataw ang batas militar, kaliwa’t kanan na ang mga paglabag ng mga sundalo at pulis sa mga karapatang-tao at pagyurak sa kagalingan ng sambayanan sa ilalim ng todo-gerang idineklara ni Duterte-Lorenzana noong Pebrero laban sa BHB. Sa pagpataw ng batas militar at pagsuspinde ng writ of habeas corpus sa Mindanao, lalo pang naging walang lubay ang militar at pulis sa paggamit ng armadong kapangyarihan sa lalong nakapanghihilakbot na panunupil, karahasan, kabuktutan at korapsyon.

Tangan ang kapangyarihan ng batas militar, sinusupil ng AFP at PNP ang mga karapatang sibil-demokratiko sa pagtatayo ng kaliwa’t kanang mga tsekpoynt, walang mandamyentong panghahalughog at pang-aaresto. Lahat ay pinaghihinalaan at inoobligang patunayang sila’y inosente. Tuwiran silang nakikialam sa usaping paggawa sa pagitan ng mga kapitalista at manggagawa at ipinagtatanggol ang buktot na interes ng una. Inaangkin nila pati ang kapangyarihang busalan ang bibig ninuman alinsunod sa kanilang katwiran.

Nang ideklara ang batas militar, lalong naging mabangis ang mga operasyon ng AFP laban sa mamamayang itinuturing nilang sumusuporta sa armadong rebolusyon dahil aktibo silang nakikibaka para sa kanilang kapakanan. Sunud-sunod ang pambobomba, panganganyon at pagpapaulan ng bala sa Davao del Sur, Bukidnon, North Cotabato at Compostela Valley, gayong napakalayo ng mga ito sa sinasabing rebelyon ng mga Maute. Mismong mga upisyal-militar ang nagsabing magpapatuloy ang pananalakay nila sa mga sibilyang komunidad na pinaghihinalaan nilang teritoryo ng BHB, “may martial law man o wala.” Anumang planong ipataw ang batas militar sa buong bansa ay dapat puspusang labanan. Buong kapasyahang lalabanan ng sambayanan si Duterte kung pagtatangkaan niyang tuluyang iluklok ang sarili bilang diktador, buwagin ang mga institusyong sibil, tuluyang ipagkait ang mga pormal na karapatang sibil, at lantarang papaghariin ang pasismo at terorismo ng estado.

Sa pagsuporta ni Duterte sa todo-gera, pagpataw ng batas militar sa Mindanao at pagbigay ng ibayong kapangyarihan sa militar, maglalaho ang pag-aasta niyang Kaliwa, sosyalista at makamasa. Namemeligro si Duterte na lalong mapahiwalay sa mamamayang Pilipino. Sa Mindanao, dala ng mga sundalo at pulis ang pangalan ni Duterte sa kanilang pagsakop sa mga sibilyang komunidad, panghahalughog, pag-aresto, pananakot at panunupil sa mga manggagawa at magsasakang nakikibaka para sa kanilang kapakanan at mga karapatan. Sa pagsunod sa utos na “patagin ang mga bundok”, iti-natatak ng AFP ang kanyang pangalan sa lahat ng inihuhulog na bombang nagdudulot ng malawak na pagkawasak sa kabuhayan at kapaligiran at naghahatid ng labis na takot sa mamamayan.

Nilalason ng todo-gera ng AFP ang atmospera ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Nalalagay sa alanganin ang usapan lalupa’t iginigiit niya ang kundisyong magtigil-putok ang BHB bago ituloy ang pag-uusap at pakikipagkasundo tungkol sa mga sustantibong usaping sosyo-ekonomiko at pampulitika.

Lalong pinalalakas ni Duterte ang kapangyarihan ng militar. Lalong nabibigyan ng diin ang kanyang mga pagbabanta laban sa mga korte at iba pang ahensya ng gubyerno. Naging palamuti ang kongreso nang tumanggi itong ipailalim sa masusing pagsusuri ang deklarasyong batas militar ni Duterte. Sa ngalan ng “gera kontra-terorismo” na ikinakabit na rin niya sa “gera kontra-droga,” ginagamit at iwinawasiwas ni Duterte ang kapangyarihang militar sa buong Mindanao.

Sa ilalim nito, inilulunsad ng AFP ang lagpas nang kalahating buwang todo-gera na nagdulot ng malawakang pagwasak sa Marawi City at nagresulta sa ibayong pagkasalanta sa buhay at kabuhayan ng mahigit 200,000 mamamayan. Sa kabila ng kanilang mga daing, walang pakundangan ang isinasagawang pambobomba ng mga helikopter at eroplanong pandigma ng AFP sa mga bahay, mga gusali, kalsada at iba pang mga imprastrukturang sibil. Halos lahat ng residente ay lumikas. Tulad ng ginawang pagwasak sa malawak na lugar sa Zamboanga City noong 2013, ang pagwasak sa Marawi City ay inaasahang magbibigay-daan sa malalaking proyektong pang-imprastruktura. Hindi pa man naglalaho ang alingawngaw ng mga bomba, naglalaway at umaaligid na ang malalaking burgesyang kumprador. Ang nagsimulang opensiba ng rehimeng Duterte laban sa Maute Group ngayo’y nag-uudyok sa galit ng mga lider Moro dahil sa walang pakundangang pagyurak sa buhay ng mamamayan sa Marawi. Halos lahat (98%) ng mga residente sa syudad ay Moro. Kung magpapatuloy ang todong pagwasak sa Marawi, hindi magtatagal, ang gerang inilunsad para sa “pagsupil sa terorismo,” ay ituturing ng mamamayang Moro na gera laban sa kanila.

Sa pagpapataw ng batas militar at hindi paglutas sa saligang usapin ng pagpapasya-sa-sarili, mabibigo ang rehimeng Duterte na lutasin ang paglitaw ng iba’t ibang armadong grupong Moro na may iba’t ibang kapasyahan. Sa kasaysayan, may mga grupong rebolusyonaryo, progresibo at anti-imperyalista at malinaw na nagsusulong ng interes ng Bangsamoro. Pero mayroon ding kumikiling sa gera sa batayan ng relihiyon o nauuwi sa pagiging kriminal na bandido. Kung hindi rerendahan ni Duterte ang gera at pambobomba ng AFP, sa halip na masupil ang mga armadong grupong bandido, ang labis na malupit at brutal na gera ng AFP ay magtutulak sa mas marami pang Moro na mag-armas at makipagdigma.

Kaisa ng buong sambayanang Pilipino at Moro ang Partido sa paninindigan para kaagad na wakasan ang batas militar na ipinataw ni Duterte sa Mindanao at ibalik ang karapatan sa writ of habeas corpus. Dapat magkaisa rin ang mamamayang Pilipino at Moro laban sa lahat ng anyo ng teroristang pag-atake sa mga sibilyan. Habang dapat nilang kundenahin ang mga armadong grupong ginagawang target o sadyang dinadamay ang mga sibilyan, dapat ring malakas na kundenahin ang terorismo ng tuluy-tuloy na gerang pangwawasak ng AFP laban sa Marawi City.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth]

[av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
Filipino
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/06/20170607pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]

[/av_one_fifth]