[av_section min_height=’100′ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/05/EDITORIAL_05212017_web-300×260.jpg’ attachment=’6742′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=”]
[av_heading heading=’Imprastrukturang pondo ng dayuhan, di hiling ng bayan’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’]
Editoryal | Ang Bayan | Mayo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_section]
[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading tag=’h3′ padding=’10’ heading=’EDITORYAL’ color=” style=’blockquote modern-quote’ custom_font=” size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ custom_class=”]
Ang Bayan
Mayo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]
[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
[av_dropcap1]W[/av_dropcap1]alang tigil ang mga teknokrata ng rehimeng Duterte sa positibong paglalarawan ng pagsulong ng ekonomya ng Pilipinas sa mga darating na taon sa ilalim ng tinagurian nilang “gininuntuang panahon ng imprastruktura”. Iginigiit nila na ang malaking pamumuhunan sa konstruksyon ng mga kalsada, riles, daungan, dam at engklabo sa paggawa ay magbubunga ng tuluy-tuloy na paglago ng ekonomya ng Pilipinas.
Lalo pa silang pursigido sa mga deklarasyong ito pagkauwi nila mula sa China kasama si Duterte baon ang panibagong pangako ng mga upisyal ng China na maglalagak ng malaking kapital sa Pilipinas para sa mga inihahanay na proyekto ng gubyernong Duterte. Puring-puri ni Duterte ang China sa aniya’y sinseridad nitong tumulong sa Pilipinas at magbahagi ng kanilang yaman. Liban sa higit na malaki ang kapital na target na makuha ng rehimeng Duterte kumpara sa nakaraang mga rehimen (tinatayang mahigit walong trilyong piso hanggang 2022, pangunahin mula sa China), ang matatayog na deklarasyon ay pawang alingawngaw mula sa nagdaang mga rehimen. Lahat ng nagdaang mga gubyerno (kabilang ang rehimeng Marcos) ay pawang nagtulak ng malalaking proyektong pang-imprastruktura bilang sentro ng mga hakbangin sa ekonomya.
Malinaw na hungkag ang gayong deklarasyon. Katulad ng ilang ulit nang napatunayan sa nakaraan, hindi nilutas ng mga proyektong pang-imprastruktura, gaano pa man kalaki o ka-engrande, ang saligang mga problema sa ekonomya ng Pilipinas.
Sa panahon ni Marcos, gamit ang absolutong kapangyarihan, nagawa niyang itulak ang kaliwa’t kanang mga proyektong pang-imprastruktura mula sa mga hayway, tulay, mga dam, plantang geothermal, LRT at mga monumento. Ang sambayanan ay nabaon sa lumaking dayong pautang (umabot sa $26 bilyon noong 1986) at natali sa mga kundisyong ipinataw ng IMF at ng World Bank na pabor sa dayong malalaking kapitalista. Nagkamal ng yaman si Marcos at kanyang mga kroni sa mga komisyon sa malalaking proyektong ito.
Ang lahat ng rehimen pagkatapos ni Marcos ay naghabol ng kani-kanyang proyektong pang-imprastruktura: mula sa mga “flyover” ni Cory Aquino, sa Expo Pilipino ni Ramos, ang Macapagal Boulevard at Clark Airport ni Arroyo at mga proyektong “public-private partnership” ni Benigno Aquino. Lahat ito’y nagkahalaga ng bilyun-bilyong dolyar at pinondohan ng lumobo nang lumobong dayuhang pautang na ngayo’y mahigit $120 bilyon na. Bawat proyektong ito’y batbat ng anomalya at pinagkakitaan ng malalapit na kroni ng bawat rehimen.
Kung meron man, pang-ibabaw lamang ang pagbabagong inihatid ng mga proyektong ito. At kahit pagsama-samahin pa, bigong baguhin ng mga ito ang saligang kalagayang panlipunan at ang saligang kalagayang pangkabuhayan ng masang magsasaka at manggagawa at buong sambayanan. Lumikha ito ng pansamantalang hanapbuhay, subalit hindi nilutas ang palagiang krisis ng labis na malaking disempleyo. Kakambal na ng mga proyektong ito ang mga demolisyon, pagpapalayas, pagkawasak ng produktibong lupa at pagkasira ng kapaligiran. Sa maraming kasong militarisasyon ang kaakibat ng mga proyektong ito.
Sa pagtutulak ng rehimeng Duterte ng ilandaang bilyong dolyar na mga proyektong pang-imprastruktura, hindi malayong tatamaan nito ang kagalingan at mga karapatan ng masang anakpawis at sisilaban ang kanilang paglaban. Kabilang sa malalaking proyektong itinutulak ngayon ay ang Chico River Dam project. Ang katulad na proyekto noong dekada 1980 ay militanteng nilabanan ng mamamayan ng Cordillera dahil sa pinsalang idudulot niyon sa kanilang buhay at kabuhayan. Tiyak na hindi tatahimik ang mga taga-Cordillera at ang buong bayan oras na maging banta sa buhay, karapatan at kapaligiran ang dam at iba pang proyektong pang-imprastruktura.
Tiyak na mauudyok ang malawakang mga paglaban kung ang planong ilatag na mga riles ng tren ay sasagasa sa lupaing ninuno, karapatan at kagalingan ng mga Lumad at masang anakpawis sa Mindanao at iba pang lugar: kung ang planong itayong mga daungan ay magpapalayas sa mga mangingisda; kung ang itatayong tulay at ilalatag na kalsada ay magpapalayas sa mga magsasaka at wawasak sa produksyong pang-agrikultura; at kung ang isasagawang mga reklamasyon ay wawasak sa yamang-karagatan at kapaligiran.
Tiyak na titindig at lalaban ang buong bayan kung sa pagtutulak ng rehimeng Duterte ng mga proyektong pang-imprastrukturang ito ay ilulubog nito ang buong Pilipinas sa bagong dayong pautang na imposible nang mabayaran at magtatali sa Pilipinas sa mga kundisyong kasasangkutan ng pagsuko sa patrimonya at kasarinlan. Titindig din ang buong bayan kung ang mga proyektong ito ay kasasangkutan ng korapsyon at pagkakakitaan ng malalaking burgesyang komprador na malapit kay Duterte. Kung matakot man ang Korte Suprema sa pagbabanta niya kontra sa paglalabas ng TRO, ang sambayanan ay hindi mangingiming manindigan laban sa burukrata kapitalistang kabuktutan.
Dapat maging pukaw ang sambayanan na, taliwas sa sinasabi ni Duterte, hindi kagandahang-loob ang pag-aalok ng China ng daan-daang bilyong dolyar para sa mga proyektong pang-imprastrukturang ito. Ang China ay isang bagong usbong at patuloy na lumalaking imperyalistang kapangyarihan na mahigpit na nangangalaga sa kanyang sariling interes. Ang alok na pondo ng China ay pautang na obligadong bayaran ng bayan na may interes. Pautang ito na nakalaan sa ispesipikong mga proyekto pabor sa China at dapat ipambili sa sobrang suplay ng asero at iba pang kalakal mula sa China.
Kung tutuusin, hindi ang mga proyektong pang-imprastrukturang ito ang dapat na binibigyang prayoridad ng rehimeng Duterte. Sa anumang plano sa ekonomya, ang dapat na unahin ay ang kapakanan at interes ng mga manggagawa at magsasaka at buong sambayanan, hindi ng malalaking burgesyang komprador, panginoong maylupa o dayuhang malalaking kapitalista.
Dapat lutasin ang mga pundamental na problema ng sistemang malakolonyal at malapyudal. Kung walang pundamental na pagbabago, mananatiling atrasado ang ekonomya ng Pilipinas at magiging tagasuplay lamang ng mga hilaw na materyales, murang paggawa at malamanupaktura sa China at iba pang imperyalistang bayan. Katulad ng mga riles ng tren na itinayo ng kolonyalismong US na ginamit sa transportasyon ng tubo at iba pang kalakal, ang mga modernong tren mula sa China ay magsisilbi lamang para sa transportasyon ng mga hilaw na materyales at malamanupaktura para sa China.
Sa kasaysayan ng mga naging modernong ekonomya, kabilang na ang China, ang pagsulong ay natamo sa pagpupundar ng batayang kapasidad sa industriya kabilang na sa produksyon ng bakal, asero at mga kemikal at iba pang saligang industriya upang likhain ang kapasidad sa produksyon ng makinarya at iba pang mga kagamitan sa produksyon. Kaakibat nito ang pagtataas ng produktibidad ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtupad ng tunay na reporma sa lupa para wasakin ang lumang mga kadena ng monopolyong pyudal at dayuhan, pagtulak ng kooperasyon at iba pang anyo ng pagtutulungan at pagtupad ng mekanisasyon.
Dapat igiit sa China, na kung gusto nitong matamo ang pakikipagkaibigan sa sambayanang Pilipino, dapat handa itong suportahan ang pagsisikap na tapusin ang malakolonyal at malapyudal na sistemang itinatag at patuloy na pinaghaharian ng imperyalismong US. Sa partikular, kailangang-kailangan na suportahan ang programa para sa tunay na reporma sa lupa at para sa pambansang industriyalisasyon.
Ito ang pangunahing nilalaman ng programa ng rebolusyonaryong kilusan sa ekonomya at nakasaad sa programa ng Partido para sa demokratikong rebolusyong bayan at sa 12 Puntong Programa ng NDFP. Ito ang dinetalye sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) na inihaharap ng NDFP sa GRP sa negosasyong pangkapayapaan. Inaasahan ng mga rebolusyonaryong pwersa na ang usaping ito ng CASER ang pangunahing mabibigyang-pansin sa nakatakdang ikalima sa serye ng mga usapang pangkapayapaan.
[/av_textblock]
[/av_three_fifth][av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]
[gview file=”https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/05/20170521pi.pdf” height=”300px” width=”100%” save=”1″]
[/av_textblock]
[/av_one_fifth]