Hustisya para sa mga bakwit ng Marawi City!

Nagsagawa ng dasal-protesta noong Disyembre 14 ang mga taong-simbahan at kabataan bilang pakikiisa sa mga bakwit ng Marawi City na hindi pa rin nakababalik sa kanilang syudad. Panawagan nila ang kagyat na pagbabalik ng 5,000 pamilyang bakwit na malapit nang palayasin sa kanilang temporaryong paninirahan sa katapusan ng taon. Matatapos na ang kontrata sa pagitan ng gubyerno at pribadong mga may-ari ng lupa kung saan sila inilagak matapos pulbusin ng rehimeng Duterte ang kanilang syudad noong 2017. Panawagan nila ang hustisya at imbestigasyon sa tugon ng estado at rehabilitasyon ng kanilang syudad

Panawagan din nila ang pagkilala at pananagutan kasabay ng kumpensasyon sa nangyaring mga paglabag sa karapatang-tao sa panahon ng pananalakay at sa proseso ng rehabilitasyon.