Pakikiisa sa mga alyadong organisasyon sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng NDF

Marco Valbuena | Chief Information Officer | Communist Party of the Philippines

Binabati ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga kaibigan at kaalyadong organisasyon nito sa National Democratic Front (NDF) na lumahok sa isinagawang martsa-rali sa mga lansangan ng Maynila kahapon, Abril 29.

Nakikiisa ang Partido sa panawagang “armadong rebolusyon ang tunay na solusyon” na pinaaalingawngaw ng mga raliyista. Sang-ayon ito sa inilatag ng NDFP na pangunahing tungkulin nito ang itaguyod ang armadong pakikibaka.

Sang-ayon din ito sa panawagan para sa muling pagpapalakas at pagbwelo ng mga lihim na rebolusyonaryong organisasyon sa buong bansa, alinsunod sa inilulunsad ng Partido na kulusang pagwawasto.

Sa harap ng lumalaking banta ng inter-imperyalistang gera at lumalalang krisis sa ekonomya at pulitika, higit na kailangang buklurin sa ilalim ng NDF ang pinakamalawak na hanay ng masang Pilipino, upang paigtingin ang digmang bayan para sa pambansang kalayaan.

Hinahamon at inaanyayahan ng Partido ang mga kasapi ng mga alyadong samahan sa NDF na lumahok sa armadong rebolusyon, iambag ang lakas, sigla at kaalaman bilang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Tinatawagan namin ang mga manggagawa, kabataan, propesyunal at iba pang demokratikong sektor na lumahok sa pagtatayo ng bagong demokratikong gubyernong bayan, ipihit ang kasaysayan at baguhin ang kapalaran ng bansa.

Tiwala ang Partido na laksa-laksang kasapi ng mga alyadong samahan ng NDF ang tutugon sa panawagan at hamon na ito na paglingkuran ang masa bilang mga rebolusyonaryong kawal ng sambayanan.

The post Pakikiisa sa mga alyadong organisasyon sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng NDF appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.