3 berdugong sundalo ng 62nd IB, napaslang ng BHB

Naglunsad ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) laban sa tropa ng 62nd IB sa Barangay Imelda, Guihulngan City, Negros Oriental noong Hunyo 15. Tatlong berdugong sundalo ang napaslang sa armadong aksyon.

Ayon kay Ka JB Regalado, pinasabugan ng Pulang hukbo gamit ang M203 grenade launcher ang tropa ng 62nd IB. Asintadong natamaan ng yunit ang nagkukumpulang elemento ng militar habang nagpapahinga sa Sityo Lip-o mula sa operasyon sa kagubatan.

Sa ulat ng mga residente, alas-10 ng gabi ay patagong isinakay ng mga sundalo ang tatlong bangkay sa isang trak at tinabunan ng trapal para dalhin sa sentro ng syudad. Pinigilan umano ng mga sundalo ang mga sibilyan na sumilip at magtanung-tanong kaugnay ng pangyayari.

“Ang taktikal na opensibang inilunsad ng [BHB-Central Negros] ay isang kongkretong tugon sa makakatarungang panawagan ng mamamayan laban sa walang tigil na operaysong militar, pagbabanta at pamemerwisy ng mga berdugo at desperadong 62nd IB,” pahayag ni Ka JB.

Dagdag pa ng tagapagsalita, malaking sampal ito sa mukha ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), mga pwersang paramilitar nito, at maging sa National Task Force-Elcac sa paulit-ulit na pahayag na mahina ang hukbong bayan at rebolusyonaryong kilusan sa Central Negros.

Samantala, binatikos ni Ka JB ang paghuhuramentado at pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa malapit kabahayan sa Barangay Imelda bilang ganti. Nagdulot ang insidente, na paglabag sa internasyunal na makataong batas, ng labis na takot at troma sa mga residente.

Source link