Tatlong maiiksing armas ang nakumpiska ng Bagong Hukbong Bayan-South Central Negros (Romeo Nanta Command) mula sa ahenteng paniktik ng militar na si Diosdato Apatan sa Binalbagan, Negros Occidental.
Mula pa dekada 1980 nagsilbing aset ng militar si Apatan.
Sa Albay, binigo ng BHB ang pag-atake ng 49th IB sa kanilang pusisyon sa Barangay Matanglad, Pio Duran noong Oktubre 27. Tusong nagpakalat ng kasinungalingan ang 49th IB na naglulunsad ng “relief operation” ang kanilang yunit nang makasagupa ng hukbong bayan. Ang totoo, nagsagawa ng operasyong kombat ang mga sundalo sa barangay.
Mismong mga upisyal ng barangay ang naglinaw na walang pamamahagi ng relip na naganap sa komunidad.